Return to site

SA LAHAT NG PANAHON 

Isinulat ni: CAMILLE P. ALICAWAY 

· Volume IV Issue II

I

Ang pagsibol ng isang halaman

Sa isang malawak na dawagan

Di alam kung may patutunguhan

O kung ito ba’y may kaunlaran

 

II

Ang isang maningning na bituin

Sa umaga ba’y kayang hanapin?

Di alam kung may patutunguhan

O kung ito ba’y may kaunlaran

 

III

Ang pagsilang ng taong nilikha

Sa mundong ito ba’y makakaya?

Di alam kung may patutunguhan

O kung ito ba’y may kaunlaran

 

IV

Halaman sa dawagan ay kaya nga bang lumago?

Ningning ng bituin sa umaga’y di ba magtago?

Makakaya ba ng tao na ang mundo’y mabago?

Kung sa lahat ng ito tayo ay para ngang bigo

 

V

Tamang pagpili at maging tamang desisyon

Tamang nilalapitan sa tamang panahon

Sapagkat posibleng lahat sa Panginoon

Kahit anong bagay sa lahat ng panahon