SA BAWAT PAG-IKOT NG MUNDO,
LAHAT TAYO AY MAY NABUBUONG KWENTO.
MGA PANGARAP NA NATUPAD,
MAY MGA LUHANG SA PISNGI NAPADPAD.
SA BAWAT SAMPUNG TAO NA ATING NAKAKASALUBONG,
ISA SA KANILA AY LAGING HANDANG TUMULONG.
KAHIT NA MAY SARILING KRUS NA PINAPASAN,
IKAW AY KAILANMA’Y HINDI UUWING LUHAAN.
SA BAWAT PAG-IBIG AT UMIBIG,
MAY MGA NAGING MASAYA, PUSO AY KINILIG.
SUBALIT HINDI KAILANMAN MAIPAGKAKAILA,
NA IILAN AY NAIWAN SA KABILA.
KUNG ANG BAWAT KWENTO AY MASAYANG MAGTATAPOS,
SINO PA ANG MAGBIBIGAY NG PAG-IROG NA WAGAS AT PAYONG TAOS?
SAPAGKAT ANG TAONG MINSANG NABIGO AT NANAGHOY,
ANG SIYANG PINAKAMASARAP MAGMAHAL HABANG BUHAY.
HINDI KO SINASABING TAMA LANG ANG IBA AY LUMUHA,
NA HINDI LAHAT NG PAG-IBIG AY PURO MASAYA
DAHIL ANG MUNDO AY PURO PAGBABALANSE AT PAGBIBIGAYAN
PALAGING MAY ARAL TUNGO SA KAMALAYAN.
KAIBIGAN, KUNG IKAW MA’Y NASASAKTAN SA NGAYON,
PALAGING SA IYO AY MAY TAMANG NAKALAAN.
SA KARERA MAN IYAN O SA PAG-IBIG,
ALAM KONG KAYA MONG MANAIG!