Return to site

S-A-N-A

JOEMELYN B. AQUINO

· Volume II Issue I

Ayan, umpisahan natin sa aking mga SANA na sana talaga matupad...

Sana mabait siya.
Sana hindi siya manloloko. Yung mamahalin niya ako ng buong-buo.
Sana marunong siyang makuntento.
Para hindi na siya magloko at ako'y hindi rin naman maloko.
Sana, magustuhan siya ng parent's ko.

Sana yung apilyido niya kasing ganda din ng apilyido ko...
Yung tipong, kahit hindi man apilyidong koreano basta tunog mabango...
Sana kasing-gwapo siya ni Lee Min Ho.
Shocks! 'Pag nagkataon siguradong nakajackpot ako.

Pero, alam niyo ba kung ano yung pinakagusto ko sa mga SANA ko?
Yun yung...Sana pwedeng maging TAYO
Pero syempre, ayoko namang magtapos na lamang doon dahil ang pinaka sa pinaka inaasam-asam ko?
Yun yung Sana, IKAW NA ang maging una at huli ko.

Ang dami-daming sana na tumatakbo sa isip ko nA hinihiling at idinadalangin din naman sa Diyos, na sana...
PWEDE at MAGING TAYO nga sa dulo.
Ang mga sanang nakita ko at patuloy din namang nakikita sa iyo...
ngunit tila hindi sapat ang mga SANA kong iyon para ang isang 'ikaw' at 'ako' ay maging totoong TAYO.

T-A-Y-O

Isang salita na inaasam-asam ng mga kagaya mo
pero hindi siguro ng katulad ko na sa tingin mo, ay walang puso.
Wala nga ba talagang puso ang isang katulad ko Na ang hangad lamang ay magkaroon ng isang pang-matagalang kwento?
Isang kwento Na kahit si kupido ay tiyak na hindi na mag-aabalang maghanap pa ng kapalit mo sa buhay ko...
o ng kapalit ko sa buhay mo
dahil pati siya ay nakatitiyak at talaga namang kumbinsido,
na TAYO...
Tayong dalawa na, hanggang sa dulo.
Na sa ating mundo, "TAYO" nalang ang natitira at wala nang "ako" at at wala ng "ikaw".

"I-K-A-W"

Ikaw yung taong sa una palang alam ko ng magiging kahinaan ko
Ikaw yung taong kahit anong iwas ko pilit paring hinahanap-hanap ng mga mata ko
Ikaw...
Na boses palang ay naghuhurumentado na ang buong sistema ko
Ikaw...
Na kahit napakamoody ay pilit paring iniintindi ni "ako"
Ikaw, na nakakainis na pero tinitiis ko
Ikaw na ayaw ng isip ko pero sinisigaw ng puso at damdamin ko
Ikaw na hindi na yata kayang mawala o mabura pa dito sa puso ko.

Ikaw
Oo, ikaw na ang panalo.
Ikaw ang panalo dahil napa-ibig mo ang isang katulad ko.
Napa-ibig mo ang puso kong sabi mo nga ay "bato".

Ang galing mo noh?
Akalain mong ayoko naman sayo noon pero minamahal na kita ngayon?
Akalain mong sinabi kong hindi ako magpapadala o magpapakatanga sa pag-ibig pero parang yun ang nangyayare sa akin sa ngayon.
Ngayon na ang "ako" ay hindi kumpleto kapag walang "ikaw" sa tabi ko
Ngayon na "ikaw" ang kumukumpleto sa bawat araw ko
Ngayon na "ikaw" ang panaginip sa tuwing gabi at hindi na mga multo
Ngayon, na kapag nawala ang "ikaw" ay tiyak na malulungkot si "ako"
Dahil "IKAW NA" ang mundo ni "ako"

Hindi ako masyadong open pagdating sa usapang puso at sa nararamdaman ko
Pero sana, sa pamamagitan ng tulang ito ay maramdaman mo, na kahit papaano ay may puso din naman ako...

May puso din naman ako na marunong magmahal at nasasaktan kahit papano.
May puso din naman ako na nadudurog sa tuwing masaya ka sa kalandian mo.
May puso din naman akong malapit nang sumuko dahil sa mga kilos mo na parang mata ng mga lolo't lola ko na MALABO
May puso din naman ako na patuloy paring lumalaban kahit na marami nang dahilan para ako'y sumuko.
May puso rin naman akong kahit malapit na malapit ng

sumuko ay lalaban parin hanggang sa dulo
Dahil "MAHAL" ito ang aking pinaka-pangako.

MAHAL...

Oo, tama nga ang inyong narinig.
Nagmamahal na nga siguro ako.
Ako na noon ay ayaw sa mga sitwasyong ganito

Relasyong kumplikado na gawa ni kupido
Ni kupido na siyang puno't dulo ng lahat ng ito.
Kaya dapat lamang na siya ang mag ayos ng lahat ng gusot

sa tulang ito

Dahil, MAHAL, sa buhay ko, gusto ko, na ikaw na ang

maging UNA at huli ko.