Return to site

PUSONG PILIPINO, PUSONG MATATAG 

WALTON MAR T. BRUCAL

· Volume IV Issue I

Panaghoy ay kahirapan

Daing ang nasasadlakan

Rurok man ay di makamtan

Bukas ma’y di masilayan

 

Saan nagsimula? Kailan matatapos?

Saan kakapit? Bakit naghihikahos?

Pandemyang tila sumabay sa agos.

Agos na hindi pa maayos ayos.

 

Maraming nawalan, maging naapektuhan.

Buhay, ari – arian, prebilehiyo’t pinansyal man.

Tayo’y sinubok, nasadlak, nalugmok.

Sadyang nasaktan, dahil sa pandemyang dala’y dagok.

 

Pandemya’y di nakikitang kalaban, nararamdaman.

Tila bagyong nananalanta sa karamihan.

Bagyo ng kahirapan, bagyo ng kamangmangan,

Bagyo sa pinansyal, bagyo sa ating isipan.

 

Ngunit Pilipino ay Pilipino, Matatag

Matatag sa pagsubok, Ngiti’y sya’ng sagisag

May pusong Dalisay, tunay na nag-aalab.

May alab na di nauupos, bagkus sumisiklab.

 

Iyan ang Pilipino, may punlang nais umusbong. May pag – ibig.

Yaong may naising nais magyabong. Kapit – bisig.

Yaong may mithiing pinagtitibay ng panahon. Bukas ang bibig.

Yaong di susuko, handang bumangon. Titindig.

 

Ito ang tunay na kwento ng katatagan, pakinggan mo,

Pangako ng Diyos’y panghawakan, Sya’ng kapitan mo.

Pamilyang buklod – buklod Diyos ang sya’ng sentro.

Pagsubok ay malalampasan, iyong itatak sa puso.