Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang Pono-Morpolohikal na Analisis ng mga leksikong ng Mother Tongue Bikol-Legazpi. Pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ang masuri ang aspektong pono-morpolohikal ng mga leksikong Bikol-Legazpi na ginagamit sa pagtuturo ng Mother Tongue sa unang baitang upang makagawa ng isang elektronikong awdiyo-biswal sa pagtuturo na makatutulong sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng wikang Bikol. Gayundin, ang makatulong sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB- MLE) upang mapabilis ang paraan ng pagtuturo-pagkatuto ng mga mag-aaral sa unang baitang.
Sinagot sa pag-aaral ang mga katanungan tungkol sa mga leksikong Bikol- Legazpi ang karaniwang ginagamit sa pagtuturo ng Mother Tongue sa unang baitang; pono-morpolohikal na analisis ng mga leksikong Bikol-Legazpi batay sa tunog, diin , pantig, salita; ang nabuong mungkahing kagamitang pampagtuturo gamit ang teknolohiya tungo sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at panonood at ang kaangkupan ng mungkahing kagamitan batay sa pagsusuri gamit ang ebalwasyon ng Learning Resources Management and Development System (LRMDS) ayon sa salik ng kalidad ng nilalaman , kalidad ng kagamitan at teknikal na kalidad. Saklaw nito ang varayti ng Bikol- Legazpi na karaniwang ginagamit sa pagtuturo, sa Mother Tongue sa unang baitang, limang (5) guro, limang (5) matatanda na nasa edad na 45 pataas, tubong Legazpeño, dalawang (2) guro sa unang baitang at isang (1) koordineytor sa Filipino na jurors sa pagsusuri ng Learning Resources Management and Development System (LRMDS). Ginamit ang mga instrumento para sa pagsuri ng kagamitang pampagtuturo upang mataya ang kaangkupan ng elektronikong awdiyo-biswal na magpapaunlad sa kasanayan ng pagkatuto. Naging batayan sa paghahanda ng talatanungan ang iba’t ibang panayam at babasahin na may kaugnayan sa pagtuturo at MTB-MLE. Ginamit sa pag-aaral na ito ang palarawang pamamaraan sa pagsusuri ng mga datos, bahagdan at pagraranggo.
Batay sa isinagawang pag-aaral, natuklasan ang sumusunod: ang mga leksikon asu, ati, aldaw at iba pa na nasa letrang A ang nangunguna sa ranggo na may kabuoang 12 leksikon. Sinusundan ito ng mga leksikon isog, iba, ido ikog atbp sa letrang I na may sampung (10). Sa ikatlong set naman nabibilang ang mga leksikong natad, natok, namok, kahon, kamot, kapote, ubas, ugat, uma at iba pa na nasa letrang N, K at U sa ikaapat na ranggo na may siyam (9) na leksikon bawat letra. May kabuoang 143 na leksikon ang nalikom sa diyalektong Bikol- Legazpi na na karaniwang ginagamit sa pagtuturo ng Mother-Tongue.
Nabatid naman sa pono-morpolohikal na analisis ng mga leksikong Bikol-Legazpi batay sa tunog na may kabuoang 737 ang mga tunog na binubuo ng tunog- patinig at tunog-katinig sa diyalektong Bikol-Legazpi na ginagamit sa pagtuturo ng unang baitang. Nakararami, 139 na tunog sa /a/ na nasa unang ranggo na nahahati sa unang tunog na may 12; gitnang tunog, 65 at 63 naman sa huling tunog ang karamihan sa mga nailalapat tunog sa mga leksikon sa diyalektong Bikol-Legazpi. Pumapangalawa ang mga tunog-patinig /o/, 75 na may lima (5), 19 at 51 na mga tunog sa una, gitna at huling tunog ayon sa pagkakasunod-sunod.
Samantala, sa diin ng mga leksikon sa Bikol-Legazpi na may kabuoang 143, nakararami, 62 ang mga leksikon na napapaloob sa diing pahilis (ˊ) o mabilis na nasa unang ranggo tulad ng ikós /balkón/, /baníg/, /batág/, / guláy/, / láso/, / lapá/, /rélo/, /sabón/, / resíbo/, /rósa/ /páha/, /rosáryo/, /sangá/, /repólyo/, /káhon/, /kábayo/, /pakpák/, /kamót/ /pároy/ at iba pa. Samantalang may 54 leksikon naman sa mga diing paiwa (`) o malumi sa ikalawang ranggo na makikita ang iba’t ibang gamit nito ayon sa una) may tuldik sa salitang malumay at minamarkahan sa itaas ng patinig bago ang huling pantig. Kabilang dito ang sumusunod: gá.na, nátad, la.yá.
Nangunguna sa ranggo ang dalawang (2) pantig sa mga leksikon na may kabuoang 119. Sinusundan ito ng tatlong (3) pantig, 20 leksikon sa Bikol-Legazpi samantalang nasa huling ranggo naman ang apatang (4) pantig na makikita ang apat (4) na leksikon. Kadalasan makikita ang mga pormasyon ng pantig na patinig (P), katinig-patinig (KP), katinig-patinig-katinig (KPK) at ang pinagsamang pormasyong katinig-patinigkatinig-patinig-katinig (KP•KPK) sa isang salita. Sa kabilang dako, nabibilang lamang sa payak na leksikon na may kabuoang 140 na binubuo ng mga pangngalan, pang-uri at pandiwa a tatlong (3) leksikon lamang sa kayariang maylapi na nasa ikalawang ranggo ang bumubuo sa kayarian ng diyalektong Bikol-Legazpi na ginagamit sa pagtuturo ng MT. Pagbuo ng Elektronikong Kagamitan na pinamagatang DANTA PANTA na tumutukoy sa Dangog, Tanog, Pantig asin Tataramon ang mungkahing kagamitang pampagtuturo tungo sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pakikinig, pagbigkas, pagbasa at panonood sa pagtuturo sa unang baitang. Sa kabuoan, angkop na angkop ang mungkahing kagamitan batay sa pagsusuri Samantala, sa diin ng mga leksikon sa Bikol-Legazpi na may kabuoang 143, nakararami, 62 ang mga leksikon na napapaloob sa diing pahilis (ˊ) o mabilis na nasa unang ranggo tulad ng ikós /balkón/, /baníg/, /batág/, / guláy/, / láso/, / lapá/, /rélo/, /sabón/, / resíbo/, /rósa/ /páha/, /rosáryo/, /sangá/, /repólyo/, /káhon/, /kábayo/, /pakpák/, /kamót/ /pároy/ at iba pa. Samantalang may 54 leksikon naman sa mga diing paiwa (`) o malumi sa ikalawang ranggo na makikita ang iba’t ibang gamit nito ayon sa una) may tuldik sa salitang malumay at minamarkahan sa itaas ng patinig bago ang huling pantig. Kabilang dito ang sumusunod: gá.na, nátad, la.yá.
Nangunguna sa ranggo ang dalawang (2) pantig sa mga leksikon na may kabuoang 119. Sinusundan ito ng tatlong (3) pantig, 20 leksikon sa Bikol-Legazpi samantalang nasa huling ranggo naman ang apatang (4) pantig na makikita ang apat (4) na leksikon. Kadalasan makikita ang mga pormasyon ng pantig na patinig (P), katinig-patinig (KP), katinig-patinig-katinig (KPK) at ang pinagsamang pormasyong katinig-patinigkatinig-patinig-katinig (KP•KPK) sa isang salita. Sa kabilang dako, nabibilang lamang sa payak na leksikon na may kabuoang 140 na binubuo ng mga pangngalan, pang-uri at pandiwa a tatlong (3) leksikon lamang sa kayariang maylapi na nasa ikalawang ranggo ang bumubuo sa kayarian ng diyalektong Bikol-Legazpi na ginagamit sa pagtuturo ng MT.
Pagbuo ng Elektronikong Kagamitan na pinamagatang DANTA PANTA na tumutukoy sa Dangog, Tanog, Pantig asin Tataramon ang mungkahing kagamitang pampagtuturo tungo sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pakikinig, pagbigkas, pagbasa at panonood sa pagtuturo sa unang baitang. Sa kabuoan, angkop na angkop ang mungkahing kagamitan batay sa pagsusuri.
Gamit ang Ebalwasyon ng Learning Resources Management and Development System (LRMDS) ayon nilalaman na may weighted mean na 3.89. Nabatid sa kalidad ng nilalaman na walo (8) sa sampung krayterya ay nagtamo ng weighted mean na 4.00 na angkop na angkop. Siyam (9) sa sampung (10) krayterya sa faktor na kalidad ng kagamitan ay angkop na angkop na may weighted mean na 4.00. Ngunit sa teknikal na kalidad, may kabuoang weighted mean na 3.54 na na angkop na angkop ang kagamitang nabuo.
Batay sa isinagawang pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon: Tumutukoy sa ngalan ng mga tao, hayop, bagay at prutas na nagsisimula sa mga letrang A, I, N, K at U ang mga leksikon sa Bikol-Legazpi na karaniwang ginagamit sa pagtuturo ng Mother Tongue sa unang baitang. May natatanging varayti ang leksikong Bikol-Legazpi lalo na sa aspektong pono- morpolohikal nito batay sa tunog gamitin ang tunog-patinig na /a/, /i/ at /u/; sa tunog-katinig naman ay /n/ at /k/; karaniwan ang diing mabilis (pahilis) at malumi (paiwa); kadalasang may dalawa (2) at tatlong (3) pantig sa leksikon; payak at maylaping mga salita naman ang kayarian ng mga leksikon sa diyalektong Bikol- Legazpi. Elektronikong awdyo-biswal sa pagtuturo ng leksikong Bikol-legazpi na pinamagatang “Dangog Tanog Pantig Tataramon Kan Bikol-Legazpi ang nabuong mungkahing kagamitang pampagtuturo tungo sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pakikinig, pagbigkas, pagbasa at panonood sa pagtuturo ng mother tongue sa unang baitang. Angkop na angkop ang nilikhang elektronikong awdyo-biswal sa pagtuturo ng diyalektong Bikol-Legazpi na magpapaunlad sa kasanayan ng pagkatuto na may pamagat na “Dangog, Tanog, Pantig, Tataramon kan Bikol- Legazpi (DANTA PANTA).
Batay sa natuklasan at nabuong kongklusyon sa isinagawang pag-aaral, inirerekomenda ang sumusunod: Magkaroon ng mga database ng mga leksikon sa Bikol-Legazpi upang matukoy ang mga pagkakasunod-sunod ng mga letra na makatutulong at makapadadali sa pagtuturo ng Mother Tongue ng mga guro. Magsagawa pa ng mga karagdagang pag-aaral batay sa linggwistikong komponent na sintaktikal at pragmatiks na katangian ng leksikong Bikol-Legazpi. Gamitin ang nilikhang Elektronikong awdyo-biswal ng diyalektong Bikol-legazpi na pinamagatang “Dangog Tanog Pantig Tataramon Kan Bikol-Legazpi bilang kagamitang pampagtuturo sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at panonood ng asignaturang Mother Tongue Based - Multilingual Educatio (MTB-MLE) sa unang baitang.Ganyakin ang mga magulang at kaguruan na magtulungan sa paggabay sa mga mag-aaral sa pagbabagong nagaganap sa kurikulum.
Dagdag pa nito, maglikha ang mga guro ng mga sariling lokalisadong kagamitang pampagtuturo gamit ang diyalektong angkop sa kanilang tinuturan. Magkaroon ng dagdag na kurso kaugnay ng Mother-Tongue Based- Multilinggual Based Education sa mga kolehiyo at pamantasan na lalo na sa kumukuha ng kursong edukasyon bilang kahandaan sa pagtuturo.
Magkaroon ng pagpaplano para sa angkop na kagamitang pampagtuturo upang malinang ang mga kasanayan na angkop sa bawat aralin upang maging akma at matamo ang mabisang pagtuturo-pagkatuto sa loob ng paaralan at hikayatin ang mga guro sa patuloy na paglinang ng kanilang pampersonal at pampropesyonal na kakayahan at kasanayan may kaugnayan sa pagtuturo sa pangalawang wika (W2) (Filipino) at pangatlong wika (W3) (English).
Dito lalong huhusay ang mga bata sa oral na kasanayan sa bisa ng wikang katutubo na kanilang kinagisnan; nagiging tanghalan ang silid-aralan para sa pagsayaw, pag-awit, paglalaro, pagpapakita ng kanilang likhang sining at pagkukuwento sa sarili nilang wika. Subalit sa kabila ng lahat ng mga pagsasanay na ibinibigay ng pamahalaan sa mga guro upang maging dalubhasa sa kanilang pagtuturo may mga suliranin pa ring kinakaharap upang mas lalong matamo ang mataas na lebel at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral at ang kakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo.
Ito na marahil ang ikinababahala ng Departmento ng Edukasyon kung kaya’t magkaroon ng pagbabago sa ating kurikulum. Isinasaad sa DepEd Order 16, s. 2012 ukol sa Guidelines on the Implementation of the MTB-MLE na naglalayong malinang ang sumusunod: una, pag-unlad ng wika na nagtatatag ng isang malakas na edukasyon para sa tagumpay sa paaralan at para sa lifelong learning, pangalawa, kognitibong pag-unlad na nakapokus sa Higher Order Thinking Skills (HOTS); pangatlo, akademikong pag-unlad na naghahanda sa mga mag-aaral na makakuha ng karunungan ng mga kakayahan sa bawat lugar ng pag-aaral at pang-apat, kamalayang sosyo-kultural na nagpapahusay sa pagmamataas ng pamana, lenggwahe at kultura ng mga mag-aaral.
Kaakibat nito, nakasaad sa DepEd Order No. 31, s. 2013 na: 1) Mother Tongue ang midyum ng pagtuturo (MOI) para sa una at ikatlong baitang sa pagtuturo ng asignaturang Matematika, Araling Panlipunan, Music, Arts, PE (MAPE) at Edukasyon sa Pagpapakatao; 2) Mother Tongue ay ituturo bilang isang (1) hiwalay na asignatura. Ayon sa pag-aaral ni Quijano (2010),ang Multilingual Education (MLE) ay nakatuon sa pagkatutong paggamit ng unang wika o mother tongue bilay gabay sa pagkatuto ng iba pang mga wika “first-language-first” na edukasyon,ang pag-aaral na nagsisimula sa katutubong wika at pagtuloy na paggamit sa mga karagdagang wika na Filipino at Ingles. Nagsisilbing tulay upang madaling naipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang sariling kaisipan na walang halong takot na magkamali. Sa pamamagitan nito mas madali nilang maunawaan at maproseso ang anomang suliranin na kanilang kinahaharap upang makabuo ng bagong konsepto na makakatulong sa kanilang kaalaman.
Sa Pilipinas ay mayroong walong pangunahing wika na kinabibilangan ng Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Samarnon at Bikol (Ocampo, 2012). Ang pag-aaral sa iba’t ibang etnolinggwistikang wika na umiiral sa Pilipinas ay malaking ambag upang mapalawak ang kaalaman sa bokabularyo, magkaroon ng kamalayan sa pinagmulan, kultura at tradisyon ng nasabing tribu (Macatabon et al., 2016). Kaugnay nito, sa Rehiyon V ang pangunahing wikang ginagamit ay ang Bikol/Bicol na ginagamit ng 75.66 bahagdan, Masbateno/Masbatenon, 9.63 bahagdan at Tagalog na may 9.10 bahagdan ng gumagamit.
Nasa 26-50 na wikang Katutubo ang kabuong bilang ng wikang ginagamit.Ang wikang Bikol ay isa sa pinakamayamang wika ng ating bansa (Sanchez at Antiquierra (2017); Census of Population and Housing (2010); Philippine Statistics Authority at Komisyon sa Wikang Filipino (2016). Isa sa varayti nito ang diyalektong Bikol-Legazpi. Karaniwang sinasalita ito sa Silangang bahagi ng Albay at sa Hilagang bahagi ng Sorsogon. Ipinaliwanag ni Hernandez (2012) na ang salitang Bikol ay may ilang pagpapakahulugan; 1) ito ay ang lahat na salita/ sumasalita sa rehiyong Bikol; 2) lahat ng baryasyon o diyalekto ng isang lenggwahe na ang tawag ay Bikol at 3) lahat ng naging anak o apo ito ang mas naunang lenggwahe o pinagmulan ng lahat ng baryasyon ang proto-Bikol.
Sa klasipikasyon naman ni Mintz, binubuo ng istandard Bikol ang sumusunod; Naga, Daet, Partido, Legazpi at Southern Catanduanes. Kahit na marami ang nagkakaunawaan at marami ang pagkakapareho ng mga diyalektong ito, mayaman din ang mga iba-ibang klaseng Bikol hindi lamang sa mga salita kung hindi maging sa ponolohiya, morpolohiya at prosesong morpoponemiko.
Taong 2012, nabuo ang Ortograpiyang Bikol sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino upang magkaroon ng gabay sa alpabeto, ispeling na gagamitin sa pagsulat sa mga salitang Bikol. Bilang tugon ito sa implementasyon ng MTB- MLE na magagamit sa pagtuturo. Nangangahulugan na mayroon nang Ortograpiyang Bikol na nagagamit ang mga guro subalit nahihirapan pa rin ang mga guro sa paglikha ng mga kagamitang pampagtuturo.
Batay sa obserbasyon, sa klase ng asignaturang Mother Tongue Based – Multinggual Education (MTB-MLE), hindi nauunawaan ng mga mag-aaral ang wikang ginamit sa mga babasahin o kuwentong inilahad ng guro. Sa pakikipanayam sa ilang guro, malaki ang kanilang pangangailangan sa mga kagamitang pampagtuturo na ginagamit sa kanilang paaralan. Dagdag pa nito, ayon sa pakikipanayam sa Koordineytor ng MTB-MLE at LRMDS ng Dibisyon ng Legazpi at ilang piling guro, binanggit na wala pang gaanong kagamitang pampagtuturo sa MTB-MLE lalong-lalo na sa asignaturang MTB-MLE. Mayroong mga bigbook, tula at ilang kinathang awitin subalit hindi ito sapat lalo na kung ang guro ang maglalaan ng pondo para makagawa ng kagamitan.
Pinagtuunan din na walang mga diksyonaryong Bikol-Legazpi na nagagamit sa pagtuturo. Batay sa ibinahaging karanasan ng mga guro, nahihirapan din sila sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo, kahinaan sa bokabularyo at walang istandardisadong tuntunin na ginagamit. Binabanggit na sa kawalan ng pondo, pinag-iisa na lamang ang pagbuo ng mga palihan at iba pang gawain lalo na sa kinder hanggang baitang 3. Maging sa pagbuo ng kagamitan na aangkop sa iba’t ibang asignatura ay naaapektuhan rin dahil dito. Pinatutunayan ito sa kinalabasan ng pag-aaral ni Velario (2015), na ang ilan sa mga hamon na kinahaharap sa mga pagsasanay ng MTB-MLE ng mga guro ay ang sumusunod: a. pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo na batay sa komunidad; b. pagtuturo gamit ang angkop na kagamitan sa Mother Tongue; c. Pagsasagawa ng mga pangunang pananaliksik, at d. higit sa lahat paglaan ng linggwistikong kasanayan upang makatulong sa pagbuo ng ortograpiya. Mas lalo pang nadagdagan ang suliranin ng mga guro nang ipatupad ng departamento ang Deped Order 26, s. 1997 na naglalayon na ilagay o maging bahagi na ng mga paaralan ang mga batang mayroong espesyal na kakayahan (SPED) na makisalamuha sa mga batang nasa regular. Lahat ng mga ginagawa ng mga mag-aaral na nasa regular ay kinakailangan na gawin din ng mga bata na galing sa SPED.
Nakatuon ang pag-aaral sa Lungsod ng Legazpi at bilang sentro ng kalakalan dito matatagpuan ang iba’t ibang tanggapan kung kaya hindi lamang tubong Legazpeňo ang mga naninirahan dito, ang iba dito na rin nagpapaaral ng kanilang mga anak upang malapit sa kanilang mga trabaho. Kaya, ang kanilang mga lengguwahe ay impluwensiya ng iba’ibang diyalekto, ang lengguwahe ng Bikol-Legazpi. Maaaring isa ito sa dahilan ng kahirapan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa Bikol-Legazpi sapagkat iba ang paggamit nila sa kanilang bahay at sa paaralan.
Kung gayon, ninananis ng mananaliksik na masuri ang aspektong pono- morpolohikal ng mga leksikong Bikol-Legazpi na magagamit sa pagtuturo ng asignaturang Mother Tongue Based-Multilinggual Education (MTB-MLE) sa unang baitang tungo sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo upang mapadali ang kanilang pagkatuto sa pagpabasa sa unang wika (Mother Tongue).
see PDF attachment for more information