ABSTRAK
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtukoy ng epekto ng estratehiyang Pinatnubayang Pagbasa - Pag-iisip sa pagkatuto sa Filipino bilang tugon sa suliranin ng mababang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral sa Baitang VII. Nilapatan ng disenyong kwalitatibo at kwantitatibong eksperimental ang pag-aaral na ito. Naging suliranin ng guro na nagtuturo ng eskperimental na pangkat ang hindi pakikilahok ng iilang mag-aaral at hindi pagkakasabay-sabay sa pagbasa. Naging suliranin naman ng mga mag-aaral sa eksperimental na pangkat ang hindi pagkakasabay sa pagbasa at preperensya nilang pamamaraan sa pagbasa. May implikasyon ang paraan ng pagtuturo sa pagkatuto ng mag-aaral at responsibilidad ng guro na matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Ang mga suliraning nararanasan ng mga guro sa pagtuturo gayundin ang mga suliranin ng mga mag-aaral sa pagkatuto ay isang implikasyon na lubhang mahalaga ang paggamit ng mga estratehiya at kagamitang pampagtuturo na angkop sa ika-21 siglong klaseng mag-aaral para sa makabuluhan at epektibong pagkatuto. Marapat lamang na patuloy na pagyamanin ang kakayahan ng mga guro tungo sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo para higit nilang magampanan ang kanilang mga gawain at responsibilidad na hubugin ang kaisipan ng kanilang mga mag-aaral.
Mga susing-salita: Pinatnubayang Pagbasa – Pag-iisip, pagtuturo, pagkatuto, estratehiya
see PDF attachment for more information