Return to site

PILIPINAS, PILIPINO: IKAW, AKO, TAYO! 

KAREN JOY A. MICARANDAYO

· Volume IV Issue I

Bansang puno ng biyaya,

Yamang likas ay di maipagkakaila,

Sa yamang tao, tanging sandata,

Ang bayanihang, sa Pilipinas ay bahagi na ng pagkabata.

 

Hindi tutumba sa hamon ng buhay,

Sa halip ay babangon para sa layuning puno ng kulay,

Hindi pipikit sa maliwanag na kahirapan,

Kundi mumulat sa madilim na kinasasadlakan.

 

Bagyo man ay ilang beses humagupit,

Hampas man ng alon ay lumayo o lumapit,

Tubig at hanging dala’y hindi mananaig,

Sa mawawala at mawawalan, kapwa Pilipino ay siguradong kapanalig.

 

Pandemyang di akalaing manggugulat,

Sa tahimik na pamumuhay, lahat ay nagmulat,

Sa kahinaa’t kalakasang naghilahan at nangibabaw,

Diskarte, pagmamahal, pagkakaisa ay tunay na umapaw.

 

Gaano man kabigat na pagsubok, hindi tutumba,

Sinoman, anoman, kailanman, saanmang sitwasyon iadya,

Pilipinas, Pilipino, Ikaw, Ako, Tayo,

Palaging taglay ang nagkakaisang puso.