Return to site

PILIPINAS: MATATAG, 'DI TUTUMBA! 

MARK JEM B. VIÑAS 

ALOHA B. OBING

· Volume IV Issue I

Sa kasalukuyang panahon ng ating buhay

Iba't ibang isyu ang ating nararanasan.

Mga suliranin na kinahaharap ng Bansang Pilipinas

Tunay ngang mapanghamon, mapanghamak.

 

Nagdaraan ang mga Pilipino sa iba't ibang problema,

Mga suliraning dulot ng mga bagyo at nitong pandemya,

Kahirapan, kaguluhan at pagkabalisa,

Tunay ngang mabagsik, siya ngang dilema.

 

Ang pandemya na nagdulot ng maraming pinsala,

Na naging sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa,

Patuloy mang kumakalat at nanatili,

Ngunit ang mga Pilipino'y handang bumangong muli.

 

Patuloy din ang pagsalanta ng mga kalamidad,

Na nagdudulot ng mga kapahamakan,

Papatindi man ang pagsalanta ng mga bagyo,

Mas lalo namang papatapang ang mga Pilipino.

 

Anumang pagsubok ang ating ikinahaharap,

Nananatili tayong matapang at matatag,

Tunay nga na ang Pilipino ay hindi padadaig

Sa bingit ng kamatayan ma'y handang tumindig.

 

Nagdaraan man ang Pilipinas sa mga delubyo,

Nananatili pa rin ang katapangan at kagitingan ng mga Pilipino,

Kailanman ang Pilipinas ay hindi tutumba

Pahirapan man ng mga bagyo at ng pandemya.