Return to site

PILIPINAS, LUPAING MATATAG 

REA P. MEJIA 

· Volume IV Issue I

Bayang magiliw, perlas ng silanganan,

Pilipinas ang pangalan, pugad ng taong matatapang.

Sa dami ng dayuhang sumakop sa ating bayan,

Kailanman ay di sumuko sa pananakop ng dayuhan.

 

Pilipino ay kilala saan mang dako ng mundo,

Sa ugaling matapat at mabait na katoto.

Hindi pahuhuli sa sipag at talino,

Maka-Diyos, makatao at matulungin na totoo.

 

Matatag sa anumang hamon ng buhay,

Bagyo, lindol at pagsabog ng bulkan,

Maging Covid-19 na pandemya’y na labanan,

Sa diwa ng pagtutulungan, lahat kayang lampasan.

 

Pilipinas, hindi tutumba, bagyo man o pandemya.

Sa dami ng pinagdaanan, walang hindi lalagpasan.

Positibong pananaw sa buhay na lahat ay aahon,

Sama-sama, mayaman o mahirap lahat ay babangon.

 

Pilipinas ay lupain matatag sa anumang pagsubok

Subok na maaasahan sa panahon ng pagdarahop.

Kapitbisig na tatayo at ipagsisigawan sa mundo,

Pilipinas ang bansa ko, tirahan ng matatag na tao.

 

Tatag, lakas at talas ng isipan,

Lahat ay kailangan para sa ekonomiya at kaligtasan

Matinding pananampalataya sandatang pangharang

Sulong Pilipinas, patuloy na lumaban!