Return to site

PILIPINAS, LIKAS KANG MATATAG 

MICHAEL JOHN S. RAÑADA

· Volume IV Issue I

O Pilipinas, likas and iyong tatag

Pinagbuklod ng malasakit at sipag

Pinatibay ng pananalig at husay

Pinanday ng oras at hamon sa buhay

 

Sakuna, lindol, bagyo o sa pandemya

Di ka susuko, lalong di ka tutumba

Bagkos ika’y tatayo’t muling babangon

Magpapatuloy sa pagsulong sa hamon

 

Ang ating Maylikha ang iyong sandigan

Armas ay panalangin at kabutihan

Tiwala sa sarili at iyong kapwa

Nagbibigay pag-asa sa kaluluwa

 

Hambalusin ka man ng bagyong madahas

O tamaan ng pandemyang walang lunas

Muli kang susuong at buong aahon

Magwawagi sa pagsubok ng panahon

 

Kaya Pilipinas hindi ka tutumba!

Sa iyong tikas walang maikumpara

Dahil sa mamamayang nagkakaisa

Sa pananalig, pag-ibig at pag-asa