Return to site

PILIPINAS KONG NILILIYAG, BANSA NG MGA MATATAG! 

JOMEL L. ADVINCULA

· Volume IV Issue I

Bago pa man natamasa itong kasarinlan,

Identidad ay nakalilok na sa isipan,

Sa kapwa Pilipino o maging sa dayuhan,

Tanyag tayo na walang hamong inuurungan.

 

Sa anumang nakalimbag na mga babasahin,

Dyaryo, libro't maging sa makulay na magasin,

Kung masusing susuriin at babalangkasin,

Basta tungkol sa 'Pinas tiyak masarap dinggin.

 

Maraming beses na sa buhay ni Juan Dela Cruz,

Dumarating ang malaking sigalot at unos,

Sa tagpong halos pasan ang mundo'y umaaray,

Pero bakas sa mukha ang pag-asa sa buhay.

 

Dalawang taon na iginupo ng pandemya,

Halos nagulantang ang mundo ng Siyensya,

Sadlak sa dusa ang ekonomiya ng nasyon.

Si Juan todo-higpit ng sinturon sa sitwasyon.