I. Pagdating mo sa sanlibutan,
Ngiti sa labi’y hindi na masilayan,
Lahat ay nababalisa at nalilito,
Pag-asa’y heto’t paralisado.
II. Tila mga ibong nakagapos sa hawla,
Kalayaan ay malabo na,
Walang mahagilap na bala,
‘Pagkat pagdating mo’y hindi kami handa.
III. Habang tumatagal lalo kang lumalala,
Binawian mo ng buhay ay libo na,
Pamilyang naiwa’y nagsusumamo,
Hiling nila’y lisanin mo ang mundo.
IV. Paglipas ng panahon muli kami’y tumindig,
Nabigyan ng lakas at hindi padadaig,
Sa iyo kami ngayo’y lalaban,
Paghahari mo sa sanlibutan amin ng wawakasan.
V. Kaming mga Pilipino’y hindi matitinag o matutumba,
Ano mang unos sa buhay kaya naming magiba,
Pandemya lamang iyan, Pilipino’y nagkakaisa,
Ako, ikaw, tayong mga Pilipino’y may puso at diwa.