Maraming pagsubok na ang lumipas
Nakatayo pa rin ang Pilipinas
Pagkat makikita sa bawat isa
Ang pagmamahal at pagkakaisa
Pandemyang dumating sa bansa natin
Ito’y isang puwing ‘t mawawala rin
Pagkat pagdadamayan ay nandiyan
Maging mahirap ka man o mayaman
Bagyong Malakas sa atin dumako
Mga Filipino hindi sumusuko
Kahit marami ang taong nalagas
Patuloy lang kasi meron pang bukas
Sunod-sunod na lindol ang tumama
Sa ating bansang lubos pinagpala
Inaasam matapos na ang unos
Upang buhay patuloy sa pag-agos
Hindi lang covid 19 ang sikat at In
Pati ang mga bulkan nagalit na rin
Bulkang Taal, Mayon pati Bulusan
Mga Abo, at lahar pinakawalan.
Lumubog man sa baha ating bansa
Filipino hindi nababahala
Sapagkat sa isip ng bawat isa
Ito’y saglit lang at kusang huhupa
Sa kabila ng mga hamon sa buhay
Bansa nakatayo at Lumalaban
Paniniwala lalong tumitibay
Sa Maykapal na makapangyarihan
Pilipinas kung mahal ‘t sinilangan
Hindii ipagpapalit kaninuman
Daanan man ng trahedya ’t pandemya
Patuloy na babangon di tutumba.