Mahigit dalawang taon, akala namin kami’y nabihag
Ngunit tunay ngang ikaw ay matibay at matatag
Hindi tutumba kahit may bagyo
Laging handa pagdating ng pandemya
Tila naging isang nayon na walang kulay
Ngunit likas na matatag at matagumpay
Ikaw pa rin ay patuloy sa pakikibaka sa mundo
At unti-unting nagbago at lumago.
Ang birus na isang matinding kalaban
Nakangingilabot at kinatatakutan
Hindi makita ng ating mga mata
Hindi sigurado saan ka man pupunta
Pag-aalala lagi mong dala
Health protocol laging isa-alang-ala
Iwas sa birus na kumakalat sa’ting bayan
Malinis at maayos na kapaligiran ang kailangan.
Sa paglipas ng panahon
Dalangin ng lahat ay maiahon
Ekonomiya ng ating bayan
Kaya’t sa bawat paglabas ng tahanan
Huwag mong kalilimutan suot mong maskara
Sapagkat ito’y mahalaga kahit hindi magara
Mga katagang paulit-ulit nating sasambitin
Isagawa natin sapagkat ito’y nakakatulong sa atin.
Sa bawat paglabas mo ng tahanan
Panalangin mo’y laging tandan
Ang mundo na ating ginagalawan
Unti-unting nagbago dahil tayo’y naghahawaan
Bangon, inang bayan!
Dalangin ng mamamayan
Tayo’y tulung-tulong sa muling pagbangon
Magsumikap sa mga gawain at tayo’y muling aahon.