Return to site

PANGAMBA, DAPAT NGA BA? 

JERRIENE KYLA B. MARJES

· Volume IV Issue I

Maraming pagsubok ang ating naranasan

Ma pa pandemya man o hamon ng kalikasan

Ang ating pamahalaan ay gumagawa ng paraan

Upang ito'y maiwasan at masolusyunan.

 

Hindi maiwasang mga sakuna

Dumating sa bansa para tayo'y mapatumba

Mga pagsubok na di kinakaya

Sinamahan pa ng malalang pandemya.

 

Itong virus na si corona ay nanalasa

Sa ating pamahalaa'y nagpawala ng pag-asa

Na ang mga mahal natin sa buhay ay nawala na

Pero ang Pilipinas ay sadyang babangon pa.

 

Bagyo, lindol, baha hangad tayo'y mapatumba

Hindi maiiwasang mga sakuna

Ating nilalabanan ng sama-sama

Ng may panalangin at pagkakaisa.

 

Mga sakunang naranasan ng bansa

Ang siyang sumubok sa'ting pananampalataya,

Unti-unting sa ati'y nagpahina

Lalong nagpahirap sa ating mga dukha.

 

Bansang Pilipinas ay di nagpatinag

Muli tayong bumangon at nagpakatatag

Lahat ng tao ay napanatag

Nang ang pandemya’y unti-unting tumiwalag.

 

Pilipinas na minamahal

Mga naniniraha'y di hangal

Pagkat iniingatan natatanging dangal

Walang sinuman ang makakatanggal.

 

Sa ati'y walang makakatumba

Bahain man ng mga problema

Pagtutulungan ang siyang sandata

Kahit mga sakuna'y hindi makakaubra.