Pilipinas ang bansa ko malaya, dakila
Tunay na ipinagmamalaki mga taong payapa
Bansang sinilangan ng mga lahing marangal
Na laging nagmamahal sa may magandang-asal.
Bansa ko’y tila biglang nag-iba, nagbago
Pandemyang di- inakala sumulpot sa mundo
Parang isang panaginip na hindi totoo
Pighati, pangamba, nararamdaman ng mga tao.
Mga pangarap na binuo sa isipan
Paano na, paano na ito makakamtan
Walang sinumang nilalang ang may layang lumabas
Lalo na kung walang suot na facemask.
Grabeng pandemya nagdulot ng masidhing takot
Walang naging handa sa biglaang pagsulpot
Panaghoy at kalungkutan ay matinding nadama
Kagutuman at paghihirap saan may nakikita.
Anumang uri ng epedemyang ating maranasan
Balakid at pagsubok kayang kayang solusyunan
Magkaisa at magtulungan upang virus malabanan
Magtiwala Kay Bathala upang pandemya’y malampasan.
Pilipinas hindi tutumba bagyo man o pandemya
Sama samang humaharap sa anumang problema
Pagmamahal sa kapwa ay laging ipinadama
Mga negatibong komento ay iwasan na.