Ang mundo na dati’y ating malayang ginagalawan
ay tila naging isang bahaghari na walang kulay
ang dating masaya at makulay na mundo
ay unti-unting nagbago dahil sa virus na ito.
Isang virus ang nagmula raw sa bansang Tsina,
isang uri ng trangkaso na may hirap sa paghinga
lubhang tinatamaan ang maysakit na at matatanda
tinitira ng corona ang puso kasama na rin ang baga.
Ang virus, na isang matinding kalaban
mabagsik, nakapangingilabot
hindi makita, hindi sigurado
ito ang kalabang maaari kang matalo.
ugaliin daw na maging malinis at laging maghugas
magtakip ng bibig kapag babahing o uubo
sundin ang mga health protocols nasa loob man o nasa labas
para mabawasan ang mga nahahawa sa virus na ito.
Hiling ng mundo ay ang sakit na ito ay malagpasan na
na ang daigdig ay maluwag nang muling makahinga
idalangin sa Maykapal na maging ligtas ang bawat isa
upang tuluyan nang mapigil ang pahamak na corona.