Sinasalamin ng wika,
ang mga panata,
mula sa nakalipas na kabanata.
Sinasabuhay, buhay inialay.
Pinapakita ng wika,
ang mga kwento ng makata,
mga baybay binabaybay,
balarilang nagbigay buhay.
Sa mga nobela ni Rizal,
ang awit ni Baltazar.
Pinukaw ang damdaming Makabayan,
mula sa pagkakahimbing sa himlayan.
Makikitang sa pluma pinagkaisa
ang lakas ng bawat isa.
Kulturang pinanday ng wika
hindi mababali, sa puso makikita.
Maaaring magkakaiba ang landas paroon,
subalit hindi matitinag magpahanggang ngayon,
pinagbuklod, pinagkaisa, pinapakita ang daan sa simula,
wikang humubog sa kultura, magpakailanman maghuhulma.