Return to site

PANANAW NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG GAMIT PANTURO SA BAITANG 10 SA MATAAS NA PAARALANG
PAMBANSA NG LOOC: BASEHAN SA PAGGAWA

NG MODYUL

PRINCESS ERMA P. MARZO

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kasanayan sa paggamit ng kagamitang panturo sa Filipino ng mga mag-aaral sa baitang 10 Napatunayan na ang malaki ang naging dulot ng pandemya sa larangan ng pagkaunawa at pagkatuto ng mga mag-aaral sa pammagitan nf kagmitang panturo sa mga mag-aaral lalo’t higit sa baitang siyam at sampo ng sekondarya sapagkat hindi nahasa ang kanilang kakayahan sa pagkaunawa at pagkatuto sa kahirapan sa pagsabay sa nausbong na teknolohiya. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may makabuluhang ang pag gamit ng gamit panturo sa pagkatuto at pagka-unawa upang lubos na maunawaan ang aralin ng mga mag-aaral sa baitang 10 sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Looc. Dalawang daan at limangpu sa Baitang 10 na mag-aaral ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamitan ng deskriptibo-kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire) at ginamitan ng pagsusuring estadistikong Pearson r, independent t-test at F test. Natuklasan sa pag-aaral na mas epektibo ang pagkakaroon ng gamit panturo upang mas maunawaan at mabigyang linaw ang bawat pinag-aaralan. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsisilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral na ang pagka-unawa sa gamit panturo ay isa sa pinakamahalaga upang mahasa ang kakayahang umunlad at makamit ang tagumpay sa darating na hinaharap.

Mga Susing Salita: Pananaw, gamit panturo, modyul, pag-unawa