ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang Pananaw ng mga mag-aaral sa benepisyo ng pagkuha ng Humss Strand.
Napatunayan na ang malaki ang naging dulot ng pagpili ng strand sa pagpili ng kurso ng mga mag-aaral lalo at higit sa baitang labing -dalawa sapagkat nahahasa ang kanilang tiwala sa sarili, Husay sa pagkikipagtalasatasan at Husay sa pagsulat. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may makabuluhang pagkakaiba ang pananaw ng mga mag-aaral sa benepisyo ng pagkuha ng Humss strand ng mga mag-aaral sa Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc. na may labing apat (14) mag-aaral ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamit sa deskriptibong-kwalitatibo o paraang paglalarawang matimatikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire) at ginamitan independent t-test. Natuklasan sa pag-aaral na ang Humss ay may benepisyong makukuha. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsisilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral na ang benepisyo ng Humss ay isa sa pinakamahalaga upang mahasa ang kakayahang umunlad at makamit ang tagumpay sa darating na hinaharap.
Mga Susing Salita: Pananaw ng mga mag-aaral, Benepisyo sa pagkuha ng Humss, Baitang 12