ABSTRAK
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay mailalahad ang Pananaw at saloobin ng mga mag-aaral sa pagsasaling wika at naglalayong masagot ang mga katanungan na ito.
1. Ano ang kaalaman sa pagsasaling wika batay sa,
1.1 wikang ginamit,
1.2, dayalogo
1.3 interpretasyon?
2. Ano ang pananaw at saloobin ng mga mag-aaral sa pagsasaling wika?
3. May makabuluhang kaugnayan ba ang pagsasaling wika sa pananaw at saloobin ng mga mag-aaral?
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ang Pananaw at Saloobin sa pagsasaling wika ng mg pelikulang banyaga ng mga mga-aaral ng Bsed 3B sa LSPU Sta.Cruz Laguna.
Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng BSED 3B ng Laguna State Polytechnic University. Pinili ang mga tagatugong ito sa pamamaraang purposive
Ang pag – aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagseserbey. Ang mananaliksik ay maghahanda ng isang serbey – kwestyoneyr na maglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang mga datos magbabasa ng mga libro at tisis upang makadagdag sa impormasyon sa pananaliksik. Hihingi ang mga mananaliksik ng pahintulot sa dekana ng kolehiyo upang maisagawa ang pananaliksik
SD at statistical tally ang ginamit sa pag-aaral na ito. Upang masagutan ang mga katanungan sa pag-aaral na ito.
Susing salita: Wika, Lumban, dayalogo, Pagsasaling wika, Interpretasyon, Saloobin
see PDF attachment for more information