·
Kailan ba natalo?
Kailan ba nagpatalo?
Wala pang napabalita
At ‘di maikakaila
Na tayo’y palaging panalo
Di tatak pinoy
Ang katagang gahis
Pagkat palaging wais
At kahit mikrobyo ay kusang aalis
Bukana nga palagi ng pinoy
Katapangan,
Kahusayan,
Pagdadamayan,
At pagtitiwala sa Maykapal
Yan! Ang bala ng sambayanan
Di ka man kadugo,
O bagong salta ka lang sa baryo,
Pagkailangan kahit nino
Di mag-aatubiling tumungo
Lindol, bagyo, baha,
Pagputok ng bulkan,
At ang kasalukuyang pandemya
Di panghihinaan
Pagkat kapit sa Taas
Hinga ng maluwag
Patuloy lang sa pag-usad.
Dinaanan man ng mga unos
Ngiti’y palaging matatalos
Sa mga matang puno ng pag-asa
Mga sigalot sa buhay ang siyang masasalanta.