Papuri at pagsamo ang itinataas namin sa Iyo Panginoon, ang taos pusong pasasalamat sa bawat oras at minutong ipinagkakaloob Ninyo po sa amin upang patuloy kaming mabuhay na may kahulugan at maging kawangis mo sa tuwi-tuwina. Gayundin ang paghingi naming ng kapatawaran sa aming mga pagkukulang at nagawang kasalanan.
Panginoon, patuloy po naming idinadalangin sa inyo na kaming mga Kabataan ay papagningasin mo sa aming mga puso ang pagmamahal sa Iyo o Panginoon, upang sa ganoon ay makamtan at tamasahin namin ang buhay na walang alinglangang sapagkat kami ay nilikha mo na buo ang kabuluhan sa pagiging mabuting tao.
O Diyos, walang sidlan ang aming kaligayahan sa aming mga puso sapagkat ngayong araw na ito ay hudyat na muli naming sisimulang patunayan ang mga natutunan namin sa aming mga guro na binigyan at hinubog mo ng kahusayan upang maibahagi nila ang kaalaman na kakailanaganin namin para mapaunlad ang aming mga sa sarili, higit sa lahat sa aming mga magulang na pinagkalooban mo ng kalakasan at kalusugan ng pangngatawaan upang patuloy kaming masuportahan at maibigay ang aming mga pangangailangan sa aming pag-aaral.
Panginoon, ang mga taong nakapaligid sa amin mula sa mga tagapamahala ng paaralan, lider ng komunidad ay ginamit at nilkha mo upang maging sandata, instrumento at inspirasyon sila ng katatagan para maibalik namin sa iba ang mga aral na patuloy mong ipinauunawa sa amin.
Nawa’y patuloy mo kaming patatagin sa lahat na suliranin na darating sa aming susunod na mga pag-aaral, biyayaan ng bukas na isipan at gabayan sa bawat hakbang patungo sa aming mga pangarap. At manapa’y, Palagiang manatili sa aming mga Kabataan ang pagiging Filipino para maging bahagi ng matatag na kinabukasan ng Bagong Pilipinas.
Lahat ng ito Panginoon ay itinataas at idinadalangin namin sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang bugtong na anak na si Jesus.
Amen.