Return to site

PAMILYA KO, LAKAS KO

RUFINA M. ROSALES

Balayan East Central School

· Volume V Issue IV

Tatay, Nanay, Ate at kuya

Sila ang bumubuo sa aking pamilya

Laging Kasama sa tuwi-tuwina

Saanman ako magtungo, magpunta

 

Walang hindi kakayanin, sapagkat sila ang kapiling

Lahat gagawin ‘wag lang sila paiyakin

Bawat gawain iaalay sa kanila

Sapagkat tagumpay ko ay laan sa pamilya

 

Anumang suliranin ay kayang lampasan

Basta’t andiyan ang magulang na tagapamagitan

Walang kinakampihan bagkus pag-uunawaan

Ang ipinaiintindi sa pamilyang pinapahalagahan

 

Darating ang panahon tayo ay lilisan

Sa mundong puno ng kahiwagahan

Masasayang alaala ang ating iwan

Sa ating pamilya at buong sanlibutan.