Palimos po, Palimos po, maawa na po kayo, gutom na gutom na po ako. Nanginginig na wika ng matanda.
Ano ba namang matanda ka, ang baho baho mo sabay takip sa ilong ang babaeng sosyal.
Bigyan mo na siya Honey, nakakaawa naman ang matanda. Nakakaawa, baka mahawaan pa tayo ng sakit nyan, pakutyang sigaw ng babae.
Makalipas ang ilang segundo, isang malaki at mamahaling sasakyan ang huminto sa malapit sa kinatatayuan ng matanda.
Habang papalapit ang lalaking bumaba sa sasakyan ay kaagad nakilala ito ng sosyal na babae. Danilo, is that you? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Hi, Mariz, tama? Yes Danilo, Mariz ang forever muse nyo noong highschool tayo, naalala mo pa?.Ah yes, naaalala ko syempre sabay lingon sa matandang nangangatal na sa gutom at unti unti niya itong nilapitan.
Ma’am andito napo ako, si Danilo, diba sabi kopo sa inyo kahapon ay babalikan ko kayo, okey napo ang kwarto nyo sa bahay namin, doon napo kayo titira Ma’am.
Napaupo ang babaeng sosyal na kanina lamang ay diring diri sa matanda. Ma’am, nagtatakang wika niya. Oo, Mariz, nakalimutan mo na ba si Ma’am, sagot ng kaklaseng si Danilo. Siya ang adviser natin noon nagbibigay sa atin ng tinapay pag wala tayong baon. Tanda ko pa nga, minsan ay wala kang baong pagkain kase sabi mo noon ay hindi nakapamasada ang tatay mo at ng marinig ni Ma’am ay dali dali ka niyang ikinuha ng pagkain sa canteen.
Umiiyak na tinitigan ni Mariz ang matanda.
Ikaw pala iyan Ma’am…
“Sorry po, Ma’am!”, hindi mo “deserved” ang mamalimos dahil kahit kailan ay hindi kami namalimos ng pagmamahal at tulong mo noon.
At saka niyaya ang asawa, umiiyak niyang nilisan ang lugar.