I. INTRODUKSIYON
Ang guro ang nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral tungo sa kanilang pag-unlad para sa pagharap sa kanilang kinabukasan. Sa pagbabagong panahon tungo sa pag-unlad ang teknolohiya ay hindi maikakaila na isa sa mga instrumento na tumutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral at nagpapadali sa mga gawaing nakaatang sa kanila.
Sa panahon ng pandemya nakaranas ng napakaraming pagbabago ang halos buong mundo. Iba’t ibang sangay ang naapektuhan nito kabilang dito ay ang Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas. Upang patuloy na umusad at hindi tumigil ang takbo ng buhay ay nagpatuloy ang pagtuturo ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral. Upang matugunan ang pangangailangan sa pagtuturo sa labas ng silid aralan kung saan malayo ang distansya ng guro sa kanyang mga mag-aaral na pinaglilingkuran, sila ay gumamit ng makabagong paraan ng pagtuturo. Dahil dito ang bawat guro ay inaasahang mayroong kahusayan sa larangan ng teknolohiya upang patuloy na magkaroon ng komunikasyon at maisakatuparan ang pagbabago ng mga gawain at aralin upang makapaghatid ng sapat na kaalaman sa mga mag-aaral.
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang masuri ang kagalingan ng mga kaguruan sa paggamit ng teknolohiya sa paraan ng pagtuturo sa panahon ng pandemya upang masiguro ang patuloy na pagbibigay kahusayan sa bawat mag-aaral at maisakatuparan ang ang bawa’t kompetensi.
II. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Hangarin ng mananaliksik na higit na mabigyang kabuluhan at maipabatid ang kaalaman ang kabuluhan ng ginawang pananaliksik. Tatalakayin sa kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na may kinalaman sa sinasagawang pananaliksik.
Napakarami na ng mga pagbabago ang makikita natin sa kasalukuyang panahon partikular na sa mga kagamitan. Umusbong at patuloy na umuunlad ang paggamit ng mga modernong teknolohiya upang mapadali ang mga mahihirap na gawain, makasabay sa makabagong henerasyon at maging libangan. Kasabay ng pag-unlad na ito ay marami na ring mga kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng mga modernong kagamitan kagaya ng cellphone, kompyuters at iba pa, ngunit kasabay rin nito ay ang pagbaba ng mga grado nila sa paaralan dulot ng kawalan ng pokus sa pag-aaral. Kaya’t bilang tugon sa nasabing isyu, minabuti ng ilang mga kaguruan mula sa iba’t ibang paaralan na gumamit ng ilang mga makabagong teknolohiya upang mapukaw ang interes ng mga kabataan sa kasalukuyan. Sa pamamagitan nito ay mamumulat ang mga kabataan sa tunay na halaga at gamit nito.
see PDF attachment for more information