ABSTRAK
Sa paaralan, napakahalaga ng tungkuling ginagampanan ng mga tanong. Halos lahat ng oras ay hindi maikakailang nagtatanong ang guro sa kanyang mga mga-aaral sa kanyang ginagawawang talakayan. Ganoon din naman ang mga mag-aaral sa kanilang guro. Kailangan din nilang magtanong upang mas maging malinaw ang mga detalye ng paksang itinuturo ng guro.
Ang pagtatanong ay isa rin sa paraan ng mga guro upang tayahi ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral at upang matuklasan ang mga paksang kanilang natutuhan na at gayundin ang mga paksang nangangailang pa ng dagdag na paliwanag. Kaya nga, bukod sa performance tasks na ipinagagawa sa mga mag-aaral, mayroon ding pagsusulit na binubuo ng mga tanong na nasa iba’t ibang antas gaya ng Lower Order Thinking Skills (LOTS) at Higher Order Thinking Skills o HOTS. Sa dalawang uring ito ng antas ng pagtatanong, lagging binibigyang-diin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pagbibigay ng mga tanong na nasa HOTS upang mas lalong malinang ang kritikal nap ag-iisip ng mga mag-aaral, (DepEd EBEC, 2015)
Ang tunguhin ng pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagsusuri sa antas o lebel ng kakayahan sa pagsagot ng mga mag-aaral ng HOTS na Tanong na isinagawa sa Mataas na Paaralan ng Calamba (Calamba Integrated School) at malaman ang kabisaan ng mga tanong na ito kung nakapagdaragdag ba sa kritikal nap ag-iisip ng mga mag-aaral.
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng disenyong Descriptive Evaluative Correlational. Ito ay nakatuon sa paglalarawan ng katangian sa mga datos na makakalap para sa pag-aaral. Ang disenyong ito ayon kay Devin Kowalczyk (w.p) na nagkakaroon ng masterado sa clinical forensic psychology sa kanyang website, sinasabi niya na ito ay isang disenyo na inilalarawan ang mga kalahok sa tama at malinaw na paraan. Salig naman sa saliksik ni Amanda Wells (w.p), ang deskriptiv ay tungkol sa paghahanap ng impormasyon hinggil sa isang napapanahong kalagayan na hindi tumutingon sa dahilan o nararanasan sa loob ng sitwasyon. Kaugnay nito, malaking tulong din ang Kwantitatibong pamamraan na ang tuon ay pagsusuri sa mga katangiang maaaring sukatin kung saan ito ay gumagamit ng pamamaraang estadistiko upang bigyang kahulugan ang mga datos (Sibulan, 2008). Ang pagsasagawa ng inpormal na panayam ay nakapailalim sa kwalitatibong pamaraan na ginamit ng mananaliksik sa pangangalap ng datos dahil dito aalamain ang level ng kahusayan ng mga mag-aaral sa usaping Higher Order Thinking Skills (HOTS). Ito ay isang pagtataya sa kakayahan ng mga mag-aaral na nakatuon sa paglinang sa pagsagot ng mga HOTS na tanong. Ginamit din ang Descriptive Evaluative Correlation Design upang mataya at makilala ang lawak ng kaalaman at mga dahilan ng pagkakaroon ng mataas at mababang antas ng kakayahan ng mga kalahok sa pagsagot ng mga HOTS na tanong. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay iniuugnay din sa kabuuang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga HOTS na tanong sa kanilang pagkatuto mula sa pampublikong paaralang sekondarya ng Lungsod ng Calamba (Calamba Integrated School).
Natuklasang ang mga na kadahilanan ng pagkakaroon ng katamtamang antas ng kakayahan ng mga kakahok na mag-aaral sa pagsagot ng mga HOTS na tanong ay ang mga sumusunod: 1. may katamtamang kakayahan na sila sa pagsagot ng mga HOTS na tanong dahil sa taglay nilang kaalaman sa paksang tinalakay; 2. ang kasunod na dahilan ay ang motibasyon o interes na bawat mag-aaral sa pagsagot ng mga HOTS na tanong at motibasyon na rin ng kanilang mga guro;3. ang pagkakaroon ng pagsasanay sa pagsagot ng mga HOTS na tanong sa tulong ng kanilang mga guro at magulang at; 4.ang pagsabay sa makabagong paraan ng pagtuturo at paggamit ng teknolohiya na siyang naging motibasyon sa mga mag-aaral gamit ang kanilang mga gadgets sa pagkatuto.
Matapos ang isinagawang pag-aaral, binigyang-kongklusyon ng pag-aaral na ito na ang pagkakaroon ng katamtamang kakayahan ng mga kalahok sa pagsagot ng mga HOTS na tanong ay marahil sa kanilang kaalaman sa paksang pinag-usapan, motibasyon, interes at ang patuloy na paggamit ng makabagong gadgets ay nakatutulong sa kanila sa paglinang ng kakayahan sa pagsagot ng mga HOTS na tanong. Masasabi ring ang pagasabay sa napapanahong paraan ng pagtuturo ng mga guro ay nakatutulong sa mga kalahok.
Keywords: HOTS, LOTS, Pagsusuri, Pagtatanong, Performance Task
I. PANIMULA
Ayon kay Panes (2017), ang mahusay na pagtuturo ay ang pagbibigay ng wastong tanong at hindi ng pagbibigay ng tamang sagot. Ang natuklasan at nalikom na impormasyon ay magpapalakas at magpapalalim sa pananaw ng bawat isa sa kahalagahan ng mga tanong upang maging mahusay at kapakipakinabang ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa paaralan, napakahalaga ng tungkuling ginagampanan ng mga tanong. Halos sa lahat ng oras ay hindi maikakailang nagtatanong ang guro sa mga mag-aaral lalo na sa kanyang pagtuturo. Ganoon din naman ang mga mag-aaral sa guro. Kailangan din nilang magtanong upang mas maging malinaw ang mga detalye ng paksang itinuturo ng mga guro.
Ang pagtatanong ay isa rin sa paraan ng mga guro upang tayahin ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral upang matuklasan ang mga paksang kanilang natutuhan na at gayundin ang mga paksang nangangailangan pa ng dagdag na paliwanag. Kaya nga, bukod sa performance tasks na ipinapagawa sa mga mag-aaral, mayroon ding pagsusulit na binubuo ng mga tanong na nasa iba’t ibang antas gaya ng Lower Order Thinking Skills (LOTS) at Higher Order Thinking Skills o HOTS. Sa dalawang uri ng antas ng mga tanong, laging binibigyang-diin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pagbibigay ng mga tanong na nasa HOTS upang mas lalong malinang ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral, (DepEd EBEC, 2015).
Sa pagbubuo ng mga tanong, gabay din ng mga guro ang minodipikang taksonomiya ni Bloom na binubuo ng anim (6) na hirarkiya; pag-alala, pag-unawa, paggamit, pagsusuri, sintesis at pagbuo. Sa anim na ito, kabilang sa HOTS ang mga tanong na nasa pagsusuri, sintesis at pagbuo. Ang mga tanong na nasa antas na ito ay umaakay sa mga mag-aaral upang muling mag - isip, palawakin at payabungin ang kanilang kaalaman (Bloom’s Taxonomy 1956, Anderson and Krathwohl’s Taxonomy 2001).
Sa kasalukuyan, mayroon namang mga pagsasanay and Department of Education (DepEd) para sa mga guro upang mahasa pa ang kakayahan sa pagbuo ng mga HOTS na mga tanong. Kaya lang, marami pa ring mga obserbasyon ang nagsasabing, mahina pa rin ang mga mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong na nasa HOTS. Ang ganitong mga senaryo ang nagbunsod sa mananaliksik upang isagawa ang pag-aaral na ito upang tukuyin ang kasalukuyang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong na HOTS na siyang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito.
Sa ginawang pag-aaral nina Depayso at Beverly (2013), sa ugnayang guro-mag-aaral, napakahalaga ang pagtatanong bilang isang mahalagang salik sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman kaugnay sa talakayang nagaganap sa loob ng apat na sulok ng klasrum. Sa pagbibigay ng pagsusulit, pasalita man o pasulat, ay kinakailangang isaalang-alang ng guro ang paggamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pagtatanong.
Mahalaga ang pagtatanong upang makuha ang atensyon at interes ng mga mag-aaral at ang kanilang likas na damdamin bilang mga Pilipino. Isa rin itong paraan upang mahikayat ang mga mag-aaral na mag-isip ar tuklasin ang mahahalagang bagay na may kinalamansa paksang pinag-aralan. Ito ay ayon kay Hiyasmin Campos.
Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Anthony D. Fredericks sa Taksonomiya ni Bloom na nakapaloob sa kanyang aklat ng The Complete Idiot’sGuide to Success as a Teacher (2005), kung ang mga mag-aaral ay patuloy na pinupunglo ng mga tanong na nangangailangan lamang ng mababang lebel ng intelektwal na pakikisangkot ay magbubunga sa kanilang mababang antas ng komprehensyon. Sa kabilang banda, kung ang mga mag-aaral naman ay binibigyan ng mga tanong na sumusukat sa mataas na lebel ng kanilang pag-unawa, ito’y magiging daan sa masining at kakaiba nilang pag-iisip.
Sang-ayon kay Belvez (2001), “Ang Sining at Agham ng Pagtuturo”, inilahad niya ang mga layunin ng pagtatanong at ito ay ang mga sumusunod: (1) subukin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay; (2) pukawin ang kaalaman ng mga gamit ang HOTS na tanong at malaki ang naitulong nito sa pagpapataas ng antas ng pag-iisip ng mga mag-aaral na siyang tunguhin ng edukasyon. Dagdag pa rin ni Belvez (2001) na ang pagtatanong ay may ibat ibang uri ayon sa layon nito.
Ang isang mabuting tanong ay walang pasubaling isang mahalagang tulong sa mga gawaing pagtuturo- pagkatuto (Belvez 2001). Para lalong maging kapaki-pakinabang ang tanong na inihanda ng isang guro, nararapat na ito ay naaangkin ng mga mabubuting katangian. Ito ay ang (1) tiyak, (2) maikli at tuwiran, (3) may sapat na kahirapan upang hamunin ang kakayahan ng mga mag-aaral, (4) hindi nasasagot nn Oo o hindi, (5) hindi nasasaad sa tiyak ng pananalita ng pagkapahayag sa aklat, (6) nakalilinang ng kakayahang makapagtiimbang-timbang, (7) may sapat na kalinawan at mayroon lamang iisang pakahulugan.
see PDF attachment for more information