Return to site

PAGMAMAHAL

JOCELYN DIAZ ROBLES

Balayan East Central School

Pagmamahal ang nagsisilbing inspirasyon sa tungo sa mga adhikain.

Pagmamahal matibay na sandigan sa mga panahong walang makapitan.

Pagmamahal mahal sapakat walang katumbabas na salapi at hindi matatapatan ng kahit anong halaga.

Pagmamahal makikita sa mga mata at mararamdaman sa presensya.

Pagmamahal natatangi sa mga nais maging tangi.

Pagmamahal simpleng pagabot ng tsokolate ng batang paslit.

Pagmamahal nagdurugtong sa mga taong magkalayo.

Pagmamahal ang sinasabing bumubuhay sa isang taong walang buhay, walang pakiramdam at walang direksyon.

Pagmamahal ay isang simpleng salita ngunit napakahirap patunayan, ipakita o iparamadam.

Pagmamahal misteryosong pakiramdam na ipinagkaloob ng may Kapal upang magpaalala sa ating mga tao na tayo ay nabuo dahil sa pagmamahal.