Abstrak:
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang Paggamit ng Worktext sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Gramatikang Filipino ng mga Piling Mag-aaral ng Ikasampung (10) Baitang sa Nicolas L. Galvez Memorial Integrated National High School San Antonio Bay Laguna. Ang napiling tagatugon sa pananaliksik ay 3 sekyon ang Galileo, Ian L. Lariba at Edith L. Tiempo may bilang ng mag-aaral na isang daan at dalawampu (120). Purposive Sampling ang ginamit na teknik ng mananaliksik na lahat ay online learning. Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na alamin ang mga sumusunod na katanungan:1. Ano ang antas ng paggamit ng worktext batay sa Bahagi: Layunin; Nilalaman; Gawain; at Pagtataya? Katangian: Tampok/ Features; Disenyo? 2. Ano ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral batay sa pagsusulit? 3. Mayroon bang makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng worktext pagganap ng mga mag-aaral?
Ang disenyo ng pananaliksik ay ginamitan ng deskriptibo-kwantitatibong. Sinasaklaw nito ang kasalukuyang ginagawa, pamantayan, kalagayan upang maayos na maisagawa ang pananaliksik at makuha ang tumpak na impormasyon at datos Sa pagkuha ng datos gumamit ng mean standard deviation at Spearman rho para sa statistical treatment.
Sa pamamagitan ng mga inilahad na kinalabasan, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:
Ang haypotesis na isinaad sa unang kabanata na Walang makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng worktext pagganap ng mga mag-aaral ay hindi tinagangap, ipinapakita nito na “may makabuluhang” kaugnayan sa pagitan nila. Nagpapatunay lamang nito na mahalaga at nakatutulong ang paglikha ng mga kagamitan gaya ng woktext sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Matapos ang pag-aaral at pagsusuri ng mga natuklasan, iminumungkahi ng mananaliksik ang sumusunod:
1. Hinikayat ang mga mag-aaral na gamitin ang worktext bilang pandagdag tulong sa kanilang pag-aaral.
2. Patuloy pa rin gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paggamit ng worktext sa kanilang pag-aaral.
3. Ang guro ay hinikayat din na gawing lunsaran ang worktext sa pagtuturo ng gramatika. Patuloy pa rin ang pagbuo ng iba pang kagamitan bukod sa worktext upang maging lunsaran pa ng mga mag-aaral na makatutulong sa kanilang pag-aaral.
Keywords: Worktext
see PDF attachment for more information