Return to site

PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PAGKATUTO NG MGA ARALIN: MUNGKAHING SANAYANG AKLAT

ANDRE HANS CHRISTIAN F. VALDEZ

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito paggamit ng teknolohiya sa pagkatuto ng mga aralin: mungkahing sanayang aklat ng mag-aaral ng Senior High School ng Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.

Napatunayan na malaki paggamit ng teknolohiya sa pagkatuto ng mga aralin; mungkahing sanayang lalo na at higit sa Senior High School sapagkat hindi nahasa ang kanilang kakayahan sa paggamit ng librong diksyunaryo o sinaunang uri ng diksyunaryo na nagdulot ng kahirapan sa pagkilala ng salita at pang-unawa sa kahulugan ng mga pinag-aaralan at binabasa. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita na may makabuluhang kaugnayan ang paggamit ng teknolohiya upang lubos na lumago ang kaalamang bokubolaryo ng mag-aaral ng Senior High School ng Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc. Mayroong Apatnapu at walo (48) na mag-aaral na respondenrte ang ginamit na tagatugon sa pag-aaral na ginamitan ng deskriptibo-kwalitatibo o paraang paglalarawang matematikal, kompyutasyonal at estadistikal. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan (survey questionnaire) at ginamitan ng pagsusuring T-test. Natuklasan sa pag-aaral na sa paggamit at tamang istratehiya ng mga mag-aaral sa diksyunaryo ay mauunawaan ang tamang kahulugan ng isang salita. Ang resulta ng pag-aaral ay nagsilbing gabay at paalala sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng diksyunaryo sa pag-aaral upang malinang ang bokubolaryo.

Mga Susing Salita: Teknolohiya, Sanayang Aklat, Pagkatuto