ABSTRAK
Nakatuon ang pag-aaral sa Paggamit ng Social Media at Pagpapalawak ng Kasanayan sa Kaalaman sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang ng Masapang Intergraded National High School Panuruang taon 2021-2022. Pinili bilang tagasagot ang mga mag-aaral sa ikapitong (7) baitang. Ang pag-aaral ay nangangailangan ng isangdaan at animnapu (160) na mag-aaral. Ang mga tagasagot ay pinili sa pamamaraang purposive sampling. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga katanungan: Ano ang antas ng paggamit ng social media batay sa Impormasyon, Aksesabiliti at Aspirasyon? Ano ang antas ng pagpapalawak ng kaalaman batay sa Pagsasalita at Pagsusulat? Ano ang antas ng kaalaman sa Wikang Filipino batay sa Bokabularyo at Baybay? May makabuluhang relasyon ba ang paggamit ng social media sa kaalaman sa Wikang Filipino?. May makabuluhang relasyon ba ang pagpapalawak ng kasanayan sa kaalaman ng wikang Filipino?
Ang disenyong ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay deskriptibong paraan. Gumamit din ng mean, standard deviation at T-test upang masuri ang mga datos.
Sa pamamagitan ng mga inilahad na kinalabasan, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:
1. Ang haypotesis na nasa unang kabanata na “Walang makabuluhang kaugnayan ng paggamit ng social media sa kaalaman sa Wikang Filipino” ay huwag tanggapin, ipinapakita nito na “may makabuluhang” kaugnayan sa pagitan nila. Nagpapatunay lamang ito na ang paggamit ng social media ay nakatutulong sa pagpapalawak sa wikang Filipino.
2. At ang haypotesis na “Walang makabuluhang kaugnayan sa pagpapalawak ng kasanayan sa kaalaman ng wikang Filipino” ay huwag din tanggapin, sapagkat ipinapakita nito na “may makabuluhang” kaugnayan sa pagitan nila. Lumabas sa pag-aaral na nakatutulong ang sosyal midya sa pagpapalawak ng kasanayan sa kaalaman sa wikang Filipino.
Matapos ang pag-aaral at pagsusuri ng mga natuklasan, iminumungkahi ng mananaliksik ang sumusunod:
1. Maaring gamitin ang social media bilang salalayan sa pag-aaral na may gabay ng mga guro at magulang.
2. Bigyang pansin ang paggamit ng social media sa pag-aaral at pagkuha ng impormasyon maging maingat lamang sa pangangalap ng datos.
3. Para sa paaralan gumawa ng isang programa upang turuuan o gabayan ng mga mag-aaral upang maging responsable sa paggmit ng social media.
4. Sa mga susunod na mananaliksik maaari pang susugan ang pag-aaral na ito upang makaisip pa ng ibang teknik o pamamaraan sa paggamit ng media sa pag-aaral.
Keywords: social media, pagpapalawak, kasanayan, kaalaman, Wikang Filipino
see PDF attachment for more information