Ang wika ay may malaking kinalaman sa larangan ng edukasyon lalo na kung ang usapin ay asignaturang Filipino. Kinakailangang pumili ng isang purong wika na gagamitin bilang midyum ng instruksyon sa mga paaralan. Sa pag-aaral na ito ay pinalutang ang kabisaan ng paggamit ng purong wikang Filipino sa pakikipagtalastasang oral at akademikong pagsulat pagdating sa asignaturang komunikasyon. Natuklasan sa pag-aaral na ito na mas madalas na paggamit ng purong wikang Filipino sa pakikipagtalastasang oral at akademikong pagsulat pagdating sa asignaturang komunikasyon ay mas mabisa ang kanilang pagkatuto sa asignatura.
Ang pag-aaral na ito ang magbubukas sa mga mag-aaral at maging mga guro sa magiging kagandahang dulot ng pagyakap natin sa paggamit ng purong wikang Filipino sa asignaturang komunikasyon sa mga mag-aaral.
Susing Salita: Komunikasyon, Purong Wikang Filipino, Pakikipagtalastasan, Oral at Pasulat
see PDF attachment for more information