Return to site

PAGGAMIT NG MGA WIKANG BALBAL SA PANANALITA: BASEHAN SA PAGGAWA

NG GLOSARYO

ROGELIO B. PANGANIBAN

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay-diin sa mga salitang balbal mula sa mga mag- aaral ng Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc. Ito ay naglalayong malaman ang mga salitang balbal na karaniwang ginagamit ng mas nakararaming mag-aaral na napapangkat sa iba't-ibang bahagi ng pananalita: pangngalan, pang-uri, pandiwa, pang-abay at panghalip. Dagdag pa rito, ang kaugnayan ng mga salitang balbal sa mag-aaral at ang kahalagahan ng balbal na salita sating wika. Pangwakas ay ang pagbuo ng kagamitang panturo na maaaring magamit sa pagtuturo ng Filipino at ay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga salitang balbal ay lubos nanagagamit ng mga mag-aaral. Mula sa mga datos na nakuha, lumabas sa pag-aaral na may mga pagkakataong may kaugnayan ang propayl ng mga mag-aaral mula sa Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc sa mga salitang balbal na kanilang ginagamit. Nakabuo ang mga mananaliksik ng isang diksyunaryo na maaaring maging sanggunian ng mga mag-aaral na magsasagawa ng pananaliksik sa katulad na paksa.

Walang pinipiling kasarian o lugar sa mga kabataan lalo't higit sa kasalukuyanang paggamit ng mga salitang balbal. Gayun din, ang mga mag-aaral anumang kurso sa kolehiyo ay pamilyar sa mga ito. Ang mga salitang balbal katulad ng mga salitang nasa pormal na antas ng wika ay mapapangakat rin sa mga bahagi ng pananalita. May mga pagkakataong hindi nakaaapekto ang mga kasarian, edad at tirahan sa paggamit ng mga salitang balbal, samantalang ang kurso ay pinaka-nakaaapekto. Maraming paraan upang mabigyang kahulugan ang mga salitang balbal. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral at kabataan ang paggamit sa nabuong diksyunaryo para sa lalong pagkaunawa sa mga salitang balbal. Muling maisagawa na nakatuon sa mga bagong balbal na salita nadala ng pagbabago ng panahon at gamitin ang iba pang mga bahagi ng pananalita Iminumungkahi rin sa mga guro nahikayatin ang mga mag-aaral na gamitin ang pormal naantas ng wika sa paaralan at sa mga kabataan, magkaroon ng kamulatan sa angkop napaggamit ng mga salita kahit na saan man at huwag gawing biro ang paggamit ng mga salitang balbal na maaaring makasakit ng damdamin.

Mga Susing Salita: pagtala nang salitang balbal sa glosario