Return to site

PAGBANGON

REGINA A. SEBASTIAN

· Volume IV Issue I

Gumuho ang lahat sa isang iglap

Hangad na pagtupad sa pangarap

Kapalara’y pinagkait kahit nagsikap

Pag-asang makaahon sa hirap

 

Naghangad ba ng labis?

Sa isip ay hindi maalis

Pag-angat lang ang nais

Maisukli sa kanilang dugo’t pawis

 

Kapalara’y sadyang mailap

Katotohanan sa ati’y iniharap

Lahat pwedeng maglaho sa isang kisap

Kahit anong higpit ng ating yakap

 

Ano pa man ang kinahinatnan

Pagsuko ay di dapat ayunan

Marapat piliin ang katatagan

Magpapatuloy ng may kabutihan

 

Sa Lahat ng ating pinagdaanan

Diyos at pamilya, ating sandigan

babangon tayo, muling papatunayan

Matibay sa kahit anumang laban

 

Pilipinas hindi tutumba

Bagyo man o pandemya

Mananatiling may pagkakaisa

Mananalig, may pag-asa.