Pangalawang taong pakikibaka,
Sa kalabang di nakikita,
Ang respeto at disiplina
Kaugaliang dapat meron ka!
Ang ating mga makabagong bayani,
Iisa ang sinusugpo at ginagapi,
Kahandaan at iisang kaisipan
Sa sakuna at pandemyang digmaan.
Disiplina at respeto sa sarili,
Malaking tulong para sa marami,
Iniingatan na kalikasan at kalusugan
Para sa ating Inang Bayan.
Anumang sakuna at problema,
Mapabagyo man o pandemya,
Tayong mga Pilipino,
Sa pagsuko ay negatibo.
Yaman ng Pilipino,
Ang pagiging pursigido,
Dasal at tiwala sa sarili ang palaging baon.
Pagkat hindi patitinag sa anumang hamon.
Oras man ng peligro at delubyo,
May malalapitang Diyos at kapwa Pilipino,
Sa panahon ng pagtulong sa nangangailangan.
Walang taong dukha at mayaman.
Ngayon, Pilipino’y hindi padadaig
Pagkat ramdam ang pag-ibig.
Sa anumang lungkot at pighati,
Sa dulo ay may mga ngiti sa labi.