Sa lalawigan ng Cavite, pamayanan ng Tres Cruses ay may isang sitio na kung tawagin ay Labak. Makikita rito ang nagtataasang mga puno at malalawak na bukirin. Matatagpuan din dito ang maliliit at malalaking mga bato na nagsisilbing daanan ng mga taong namamasyal sa pook. May ilog na nakakaingganyong paliguan dahil sa taglay nitong kagandahan at lagaslas ng tubig na may kalamigan.
“Wow! Ang sarap magtampisaw sa tubig.” Hiyaw ng isang batang aliw na aliw sa paglalangoy habang nagmamasid sa paligid. Siya ang masiyahin at kawili-wiling batang si Wili. Masayang naninirahan siya rito kapiling ang kanyang mga magulang at tatlong nakababatang kapatid na sina Wina, bilang pangalawa sa magkakapatid, si Wilo, at Wini na siyang bunso. Maihahalintulad si Wili sa isang malaking punong mangga na mataas, mayabong ang mga dahon at hitik sa bunga. Dahil bagaman bata, siya ay may mataas na pangarap, napayabong ang magagandang katangian at hitik sa mabubuting asal na pangaral ng kanyang mga magulang. Lumaking may pagmamahal sa kapwa at pagmamalasakit sa kapaligiran.
Isang hapon ng uwian, maglalakad lamang si Wili pauwi ng bahay mula sa paaralan. Mag-isa lang siya dahil walang pasok ang kanyang mga kapatid. Nakagawian na nila itong gawin upang makatipid at para makatulong sa mga magulang sa simpleng paraan. Habang naglalakad, may nakita si Wili. “ Woooh, mga langgam! May akay-akay na mga butil ng pagkain. Tulong-tulong silang lahat!”. Napaisip siya at naalala ang kuwento ng kanilang guro tungkol kay Langgam at Tipaklong kayat nausal niya sa sarili. “Gusto kong maging katulad nila, kahit maliliit lamang, ay napakasipag naman. Masinop silang mag-ipon ng pagkain. Magsisipag ako palagi at tutulungan ko sina inay at itay. Magtutulong-tulong kami katulad ng mga langgam upang palaging may makakain.” Naliligayahang sambit ni Wili.
Nang mapadaan siya sa isang tindahan, napatigil siya sa kanyang iniisip dahil sa ingay ng mga batang nag-aaway at dinig na dinig sa daan. “Ikaw naman ang mag-igib, ako nalang palagi. Wala ka ng ginagawa kundi humawak ng selpon maghapon” ang malinaw na narinig ni Wili habang dumadaan. Ipinagpatuloy ni Wili ang paglalakad at hindi niya maiwasang ikumpara ang kanyang pamilya sa pamilyang kanyang nadaanan. “Masuwerte parin ako dahil may pamilya akong tahimik, may pagmamahalan at pagtutulungan, at masisipag na mga kapatid.”
Nagpatuloy sa paglalakad si Wili. Napamangha siya sa ng mapatapat sa bakuran ni Aling Wena. “Wow! Ang gaganda at ang tataba ng mga pananim na gulay at prutas ni Aling Wena. May okra, talong, sitaw papaya, kamatis at maging kalabasa” natutuwang sambit ni Wili. “Ang matataas at mabababang puno ng saging ang nagsilbing bakod nito.” “May malaki at maliit na bunga ng papaya.” “Ang kamatis ay namumula sa mga hinog na bunga nito.” “Mahaba at maikli naman ang mga lilang bunga ng talong.” “Bilog at biluhaba ang hugis ng mga ito.” Nagbeberdehan ang mga dahon ng kamoteng bagin.” “Ang bilugang hugis ng kalabasa ay maari nang anihin!” “Ang mabalahibong bunga ng okra na kaiga-igayang tingnan.” “Ang kukulay ng mga pananim ni Aling Wena.” “Tiyak na masustansiya ang kaniyang ulam sa tuwina.” Wiling-wili si Wili sa kanyang nakikita. Hilig din ng kanilang pamilya ang magtanim sa kanilang bukirin.
Sa may kanto, bago sumapit sa kanilang bahay, nadaanan niya ng mga kaibigan at kaklase na naglalaro ng tumbang preso. “Wili, halika! Maglaro muna tayo. Mamaya kana umuwi.”, yaya nila sa kaniya. “Sige, kayo nalang, uuwi muna ako sa bahay. Hahanapin ako nina inay at itay. Siguradong mapapagalitan ako kapag hindi ako dumeretso ng uwi”. “Bahala ka na nga!” “Kayo ba ay nagpaalam sa mga magulang ninyo para maglaro? “Oo naman, tulad ng itinuturo ng guro natin na palaging magpapaalam kapag aalis ng bahay bilang tanda ng paggalang sa magulang.” “Mabuti naman kung ganun”. Sige maiwan ko na kayo”. Tugon ni Wili sabay alis.
Naku! Masyado akong nasiyahan nawili sa pagtanaw sa mga pananim ni Aling Wena kanina. Malapit ng dumilim, kailangang bilisan ko ang paglalakad upang makatulong pa ako sa mga gawaing bahay. Para magawa ko ng maaga ang aking mga takdang-aralin.” Pabulong na wika ni Wili.
Pagdating ng bahay, nagmano agad si wili sa kanyang tatay at nanay. Nakita niyang masayang pinapakain ni Wina ang kanilang mga alagang manok katulong ang bunsong si Wini habang si Wilo ang nagdidilig ng mga pananim nilang halaman, gulay at prutas. Dali-daling nagpalit ng pambahay si Wili upang tumulong sa mga kapatid. “Nawili man ako sa daan kanina may oras pa naman para tumulong.” usal na pabulong ni Wili sa sarili. Agad siyang nag-igib ng tubig upang may magamit sa kusina. “Kawili-wili itong si Wili” sambit ng tatay niya habang masayang nag-kukumpuni ng sirang bakod at di maiwasang mapangiti.