NANGINGINIG ang buong kalamnan ni Chowchow habang yumayakap sa kanyang amo na nais magpahaplos sa kanyang ulo. Naiintindihan ni Leo ang nais ipahiwatig nito habang nakikipag eye to eye contact sa kanya ang alagang aso. Luhaan itong nagwika na...
“Ipinagtanggol ko lang naman ang sarili ko! Wala akong kasalanan...wala!”
“Tingnan mo kung anong ginawa mo kay Chilli. Umulwa ang kanyang kanang mata” Paulit-ulit na sinabihan ni Leo si Chowchow habang pinapakalma ito.
“Ikaw naman kasi ang laging nagsisimula. Alam mong lagi kang pinagbibigyan ni Chowchow. Sinagad mo rin ang kanyang pasensiya. Si Chilli ay kusang lumayo na duguan at nanatiling nasa isang sulok ng bahay. Di ba sinabi ko naman na parehas ko kayong love?! Di ba magkaibigan kayong dalawa?! Umagang-umaga ganito ang isasalubong ninyo sa akin...”
NAPA-UPO si Leo sa hagdanan ng ikatlong palapag ng kanilang bahay. Paminsan-minsan lihim na sinusulyapan ang dalawang aso. Nanatiling walang kibo si Chowchow na nanginginig pa rin ang buong katawan na sa wari niya’y sising sis isa mga nangyari samantalang si Chilli naman dinidilaan ang katawan habang paminsan minsan na hinahaplos ng kanang kamay este paa ang sugatang bahagi ng mukha.
TUWING UMAGA sinasalubong na si Leo ng dalawang aso na nakadungaw na sa pintuan ng kanilang bahay. Ang dalawa ay nag uunahan na magpapahaplos ng ulo sa amo. Si Chilli ang nasa kanan habang si Chowchow ang nasa kaliwa. Tumatahimik lamang ang dalawa kapag kinakausap na sila ni Leo habang haplos haplos ang mga ito. Minsan, si Chilli ay itinataas ni Leo habang pinaglalaruang hinahagis nito. Si Chowchow ay okay na sa kanya na yakapin ng amo dahil alam niyang mas matanda siya sa kanyang kaibigan at medyo malaki kung ihahambing sa makulit na si Chilli.
“Hindi ka na nahihiya sa kapit-bahay natin. Para ka naman baliw kinakausap ang aso...” Saway ng asawa ni Leo habang nagluluto ito sa kusina.
“Mabuti na yong mga alaga mong aso dahil naiintindihan nila ako. Ikaw?, ewan ko saiyo!”
“Sabihin mo weird ka! Hala kumain ka na nga...heto na pagkain mo boss!”
“Magpapakain ka na lang ang dami mo na naman sinabi...”
“Paano po Sir nakakabulabog ka sa mga natutulog pa!”
“Ang sabihin mo napipilitan ka lang gumising ng maaga. Salamat sa almusal Maam ha!”
GANITO ang scenario nila sa bahay araw-araw. Naglalaro sina chowchow at Chilli sa taas habang silang dalawang mag asawa nasa kusina. Si Chilli dinig na dinig ang kahol nito habang si Chowchow walang imik na pinagbibigyan ang kaibigan.
SIMULA kasi nang manganak si Chloe pinaghiwalay na ng kanyang asawa ang mga ito. Yong dalawang lalaki nasa taas habang yong babae nasa ikalawang palapag na katabi lang ng kanilang kusina. Si Choe ay matakaw na kumakain din ng kanyang almusal na paminsan-minsan sinisinghalan ang apat na makukulit niyang anak.
Si Leo ang tagapagpakain ng mga asong Shih Tzu samantalang lingo-lingo naman na pinapaliguan ito ng kanyang asawa.
“Umagang-umaga ang ingay mo na naman Pa. “Bati sa kanya ng bunsong anak na dalaga.
“Pano di ako mag-iingay. Si Mama mo kasi kapag tinatanong ang tagal sumagot. Laging loading!”
“Ay naku, kayo na lang dito ang naiiwan sa bahay lagi kayong nagbabanggayan. “
“Paano yan si Papa mo umagang-umaga dinig na dinig na ang boses ng mga kapit-bahay natin. Umagang-umaga nagmaMarites...”
“Marites ka diyan? Di ba puwedeng PEOPLES SMART?!”
“Tama na nga iyan...Baka kung saan pa mapunta ang usapan ninyo. Kain na!!!”
“Si Papa mo pakainin mo kasi lagi yan gutom!”
Minsan...
“Gom, umakyat ka na pls!”
“Bakit na naman?”
“Di mo narinig? Nag-aaway yong dalawa!”
“Natural naman na nag-aaway yan!”
“Hindi..., may nagyari kay Chilli!”
KANINA lang pinagpapalo ni Leo ng walis ang dalawang aso na nag-aaway. Matinding away. Nang ayaw pang tumigil napilitan na itong buhusan ng tubig. Huli na nang makita niyang duguan si Chilli samantalang yakap-yakap na siya ni Chwchow na nagsusumbong. “Hindi ako ang may kasalanan...ipinagtanggol ko lang ang sarili ko!”
ISINUGOD ng mag-ama sa clinic si Chilli.
“Doc, may pag-asa pa ba na makabalik sa normal ang kanyang kanang mata?” si Leo
“Kailangan ang madaliang operasyon po, Sir. Advisable na tatanggalin ang kanyang kanang mata. Tuluyan na po na nabasag ang bahaging ilalim nito.”
“Magkano po ang aabuting gastos para sa operasyon, Doc?” Si Leo na halatang worried na worried na kay Chilli.
“Six to seven thousand po...”
“Sixty seven thousand..., Doc?”
“Hindi, six thou to seven thou po!”
SAKA LAMANG napanatag ang mag-ama nang dinala na si Chilli sa operating room. Naisip ni Leo na ang kanilang pitong Shih Tzu ay mga totoong kasambahay nila. Mga tunay na kapamilya hindi lamang basta mga aso lang...
“Pa, musta na si Chilli?” Ang chat ng kanyang panganay na anak.
“Hayon, nakakapagsalita na..., este okay na po.”