Return to site

MOMENTO 

LEO B. RICAFRENTE

· Volume IV Issue I

ako lang

nalingkis sa siphayo’t hapis

Sa lupang tinigang at ginumo ng inubang bagwis

landas ng bayang giniyagis sa hapo’t gipit

 

mulat-ulirat na mukhang balisa sa gawa

ang leproso’y tungtungan ang piniping marmol

sa dusa ng hikbi nitong mga buhay na sawi

Habang namimiyesta itong langaw sa sandali

 

Hindi ngayon ang panahon ng pagtalikod

pagal na kaakuhan ay muling itukod

nirigor-mortis na mga taon ay unti-unting matubos

lalaban at lalaban kahit na mapaos

 

Hindi titigil sa pag-alpas

ang mga hamon ng bukas

Sasalubungin nang buong tapang at lakas na

Kasama Kang Babangon!