Mga Pilipino ay hinahangaan
Sa kaugalian na pinagyayaman
Saan mang sulok ng mundo ay masisilayan
Tatak Pilipino tunay na sandigan
Pagmamano ay unang kaugaliang di dapat kalimutan
Mga bagong henerasyon ay dapat tinuturuan
Ang salitang “Mano Po” ay huwag kaligtaan
Para maisabuhay ang ganitong kinagisnan
Ang pagsasabi ng Po at Opo ay maikling kataga
Na dapat sambitin ng bawat bata
Kaugaliang Pilipino na nakakatuwa
Bilang tanda ng paggalang sa nakakatatanda
Mga Pilipino’y likas na mabuti
Mga panauhin, buong puso ang pagtanggap
Kaugaliang naipamana ng mga ninuno
Magpahanggang ngayon ay namamalas pa
Kaugaliang Pilipino pagdating sa pamilya
Magandang samahan ay makikita
Kahit hirap ang buhay at maraming problema
Pinatitibay ito ng pagmamahalan ng pamilya
Likas na relihiyoso ang mga Pilipno
Palasimba at madasalin sa tuwi-tuwina
Paghingi ng awa at tulong ay sapat na
Upang mapatibay itong pananampalataya
Mga kaugaliang ito ay dapat pagyamanin
Patuloy na pahalagahan at paunlarin
Sama-sama tungo sa magandang layunin
Bilang bahagi ng tradisyon natin.