ABSTRACT
Ang wika ay isang napakahalagang bahagi ng pag-unlad ng lipunan. Ito ang nagpapayabong sa kultura, nagbibigay daan sa pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng mga kaalaman, karunungan at opinyon. Sa pamamagitan ng wika na isasagawa ang pakikipagkomunikasyon sa iba kung saan natututunan at yumayabong ang iba pang kasanayan. Bilang bahagi ng wika, mahalaga ang papel ng talasalitaan sa pag-unlad ng kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
Ang kasalukuyang pag-aaral ay nakatuon sa mga epektibong estratehiya upang malinang ang talasalitaan sa wikang Filipino ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay ang mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralang Pambansa ng San Pascual sa San Pascual, Batangas. Ang kasalukuyang pag-aaral ay ginamitan ng deskriptiv o palarawang pamamaraan ng panaliksik. Gumamit din ang mananaliksik ng pre-test /post-test at sarbey kwestyunir upang makapangalap ng mga datos. Batay sa mga natuklasan ng kasalukuyang pag-aaral mula sa pagsusuri ng mga datos na nakalap, naging matagumpay ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral. Sa huli, iminumungkahi ng pananaliksik na patuloy na isagawa ng mga guro sa Filipino ang iba’t ibang pamamaraan sa paglinang ng talasalitaan upang mapaunlad ang kanilang pag-unawa sa iba’t ibang aspeto ng wikang Filipino.
Context and Rationale
Ang wika ay isang napakahalagang bahagi ng pag-unlad ng lipunan. Ito ang nagpapayabong sa kultura, nagbibigay-daan sa pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng mga kaalaman, karunungan at opinyon. Sa pamamagitan ng wika naisasagawa ang pakikipagkomunikasyon sa iba kung saan natututunan at yumayabong ang iba pang kasanayan. Kung tutuusin, ang wika ang isa sa mga pundasyon ng alinmang sibilisasyon at ng ating kasalukuyang lipunan. Sa patuloy na pag-usbong ng pamumuhay, kasabay nito ang patuloy ding pag-unlad ng kaalaman.
Ayon kay Fahmiati (2016), ang pagtataguyod ng ating talasalitaan ay masasabi na pinakamahalagang bahagi ng isang proseso ng pag-aaral ng wika. Kung walang isang batayang bokabularyo upang gumana, hindi maaaring mag-aral ng gramatika, wala ring ganap na paggamit para sa pagbaybay o ang mga pagsasanay sa pagbigkas at pagsusulat o pagbabasa.
Sa tulong ng pagkakaroon ng kuryusidad ng mga tao at pagbabasa ng iba't ibang babasahin. Dati ang mga kabataang Pilipino ay tanging nahuhumaling lamang sa pagbabasa ng mga libro, dyaryo, tabloid, magasin at marami pang iba. Sa pagbabasa nahahasa ang isipan na nakatutulong upang maunawaan ang isang teksto o babasahin,ang pagbasa ay pagkilala, pag- unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag- unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal (Kapangyarihan, 2013). Hindi maipagkakaila na ang kasanayan sa wika ay isang napahalagang aspeto upang maging matagumpay sa akademiko at sa buhay propesyunal. Ang mainam na pakikipagkomunikasyon bunga ng kasanayan sa wika ay nagbibigay daan sa pagtatamo ng karunungan sa iba’t ibang larangan. Sa mga paaralan, binibigyang diin ang paglinang sa apat na aspeto ng wika: pagbabasa, pagsusult, pakikinig at pagsasalita. Ang bawat aspetong ito ay mahalaga sa pagkakamit ng kadalubhasaan sa paggamit ng wika.
Sa alinmang aspeto ng wika hindi maisasantabi ang papel na ginagampanan ng bokabularyo o talasalitaan.
Sa ginawang pag-aaral ng mananaliksik ang talasalitaang Filipino ay maituturing na maunlad at dinamiko. Sinabi ni Tapang (2018) na ang salitang bokabularyo ay tinatawag nating talasalitaan (tala o listahan ng mga salita). Dahil mayabong ang wika, at maraming aspeto ang pinagagamitan nito, nakalikha ang tao ng lipon na mga salita na nakagrupo batay sa paraan ng paglikha. Kahit sa pagbubuo ng salita ay isang mahalagang salik na makakatulong sa pagpapayaman ng bokabularyo. Mula sa mga simpleng salita maaaring mapaunlad ng mag-aaral ang kanyang pananalita. Ang bokabularyo ay bunga ng maraming iba’t ibang bagay. Ang mga pagbabago sa lipunan o sa kapaligiran ay humuhubog sa pananaw ng mga tao na naghahatid ng mga bagong karanasan at nagbubunga ito ng mga bagong salita. Mahalaga ang maraming alam pagdating sa talasalitaan upang mabigyan ng maayos na interpretasyon ang mga naririnig o nababasa.
Sa aspeto ng pagbasa, sinabi nina Sidek (2015) na ang kahalagahan ng bokabularyo sa pagtukoy ng tagumpay ng isang pag-unawa sa pagbasa ay matagal nang naitatag. Ang kaalaman sa mga kahulugan ng salita at ang kakayahang ma- access ang kaalaman nang mahusay ay kinikilala bilang isang mahalagang kadahilanan sa pag-unawa sa pagbabasa Kapag ang isang mambabasa ay hindi alam ang maraming mga salita sa isang teksto, hinahadlangan ng kundisyong ito ang pagiging epektibo at kahusayan ng pagproseso ng teksto, na hahantong sa mga paghihirap sa mambabasa sa pag-unawa sa teksto. Dahil ang pagkilala sa salita at pag-access sa leksikal ay madalas na pumipigil sa pag-unawa, pagbibigay at pagtuturo ng bokabularyo ay maaaring makatulong na mapabuti ang mga kasanayan sa pag-unawa sa pagbabasa ng mga mag-aaral. Ang mga nag-aaral ng wika ay karaniwang may kamalayan sa kanilang mga limitasyon sa kanilang kaalaman sa bokabularyo kung aling kakulangan ang gagawin hadlangan ang kanilang kakayahan sa matagumpay na pagsasagawa ng mga gawain sa pag- unawa sa pagbabasa.
Sinang-ayunan ito ni Perez (2015) kung saan sinabi niya na ang kakulangan sa pagkilala sa mga salita at leksikong kaalaman ay humahadlang upang maunawaan ang binasa kung kaya ang pagtuturo ng bokabularyo ay makakatulong upang maunawaan ang binasa. Sa pagsulat, ang talasalitaan ang isa sa pinakamahalagang puntos na dapat isalang alang. Ang mas mayamang bokabularyo ay nagngahulugan ng mas malawak na pagtalakay sa paksa. Ang pagpapayaman ng bokabularyo ay katumbas ng pagpapalakas ng pundasyon sa pagkatuto. Ayon kay Cole at Feng (2015), bokabularyo ang isa sa pinakaepektibong kagamitan sa pagtatangka na sumulat. Sa aspeto ng pakikinig, nangunguna ang talasalitaan sa mga sangkap upang maging epektibo ang pag-unawa sa pinakikinggan. Sinabi ni Meyer (2014) na ang talasalitaan ay ang susi upang mabuksan ang pinto ng pag-unawa sapagkat ang kaalaman sa pagunawa sa mga salita ang natatanging pamamaraan upang ma-decode ang mensahe. Ang pagsasalita ay isang pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita upang maipaabot ang mensahe sa iba. Samakatuwid ang higit na mas mayamang bokabularyo ay lubhang makatutulong upang maging mas malinaw ang nais iparating. Ang talasalitaan ay napakahalaga sa pag-aaral ng wika.
Natatangi ang papel ng bokabularyo sa wika at pag-aaral nito sapagkat ito ay krusyal sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao pasulat man o pasalita. Sa mga nagdaang pag-aaral, binibigyang-diin ang kahalagahan ng mayamang bokabularyo sa kaalwanan ng pag-aaral ng wika ito man ay Inang wika o ikalawang wika. Kung ganoon, anumang konteksto at kalagayan ng pag-aaral, ang kasanayan sa bokabularyo ay magdadala ng mainam na bunga sa mga mag-aaral. Ayon kay Divino (2019), sa pamamagitan ng guro, bilang isa sa may pinakamalaking papel na ginagampanan sa buhay ng mag-aaral, ay makakahanap o makakagamit ng solusyon kung paano maunawaan ng mag-aaral ang mga salitang may malalim nakahulugan. Kinakailangan ng guro na magkaroon ng teknik na maging paraan upang ang isang di- malinaw na bagay ay matukoy at mabigyan ng sapat na pag- intindi. Nakasalalay sa mga guro ang mga epektibong estratehiya sa paglinang ng tasalitaan ng mga mag-aaral upang maging dalubhasa sa paggamit ng wikang Filipino, sa pamamagitan ng pagiging mapamaraan at matamang paghahanda, malilinang ang talasalitaan ng mga mag-aaral. Ang kasalukuyang pag-aaral ay naglalayong ipakita ang kahalagahan ng paglinang sa talasalitaan ng mga mag- aaral sa Mataas na Paaralan ng San Pascual. Naniniwala ang mananaliksik na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maimumulat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng mayamang bokabularyo sa paglinang sa apat na aspeto ng wika.
see PDF attachment for more information