Return to site

Mga Alaala

Karl John Gilbert M. Alarcon

· Volume I Issue IV

O’ kay sayang balikan ng kahapong nagdaan, mga alaala
mo’y sariwa pa saaking isipan. Tawanan, iyakan
lahat ay ating pinagdaanan. Sa sandaling panahon na tayo’y nagkasama
maraming bagay ang itinuro mo saakin,
mga bagay na sa habang buhay ay aking dadalhin.
Ngunit sinta bakit kay bilis ng iyong paglisan. Paano na ang mga
pangakong iyong binitiwan? Mga pangarap mo para saakin
na unti-unti kong natutupad. Kay saya sangang isipin na
sa bawat yugto ng aking tagumpay ika’y aking kapiling.
O’aking sinta sa bawat araw na nagdaan, mga bakas mo’y
aking hinahanap.
Umaasang sa bawat alaalang matatagpuan,
lakas at tapang ang dulot saakin.
Tapang na harapin ang bawat hamon ng bukas. Sandigan ang

iyong pagmamahal upang magpatuloy sa buhay.
Kaya’t giliw ko nasaan kaman naroroon, patuloy akong gabayan mo.
At saking bawat panalangin sa Poong Lumikha
na kahit ikay hindi kapiling ay laging ipadama
sa’yo ang aking pagmamahal.