Return to site

MAYBE TOMORROW

Marjorie Cristelle M. Simene

· Volume I Issue I

“It’s official! We’re getting married,” masayang balita ko kay Sean pagkakita ko sa kanya.
Tiningnan niya ako saka siya ngumiti sabay sabing, “Just as I thought. Congratulations.”
Napayakap ako nang mahigpit sa kanya saka ko ibinulong ang balitang, “You’re the best man.”
“Literally?” tanong niya sabay tawa.
Sinimangutan ko siya sa naging tugon niya.
“Alright. I know, I know,” sagot niya kapagdaka.
“Literally?” tanong ko naman sabay pakawala ng isang malakas na tawa.
And we both laughed.
Sean is a very dear friend of mine. He’s three years older than me and he is like a big brother to me. Personal guard ng daddy ko ang tatay ni Sean but dad doesn’t treat his father as one. He is like a brother to dad. Kaya nang iniwanan silang mag-ama ng American live-in partner nito, dad asked them to live with us. Sean was just ten then and I was eight. At yun yung una naming pagkikita.
He’s a very timid guy. Ayaw niya nung makipag-usap sa akin so I initiated to befriend him. Pero ayaw niya dahil hindi raw kami bagay maging magkaibigan. Hindi raw magandang tingnan na nakikipagkaibigan ako sa isang simpleng katulad niya. Pero hindi ko siya sinukuan. One night, I saw him crying.
“Ba’t ka umiiyak? May masakit ba?” tanong ko no’n sa kanya.
Hindi siya sumagot. Umiyak lang siya no’n nang umiyak.
“Sabi ni yaya, kapag itatago mo yan bibigat ang pakiramdam mo. At nakakasama raw yun. Kaya dapat nagshi-share ka raw para gumaan ang pakiramdam mo,” sabi ko no’n sa kanya.
Tinitigan niya ako no’n nang matagal. Malungkot ang mga mata niya.
“Nami-miss ko na ang mama ko,” sabi niya. Hinawakan ko ang isang kamay niya.
“Naiintindihan kita. Wala na rin kasi si mommy.”
“Iniwanan din ba kayo katulad namin ni tatay?”
“Hindi. She died giving birth to me.”
Hindi siya sumagot.
“Pero binabantayan ako ni mommy kung nasaan man siya ngayon, sabi ni daddy.”
“Buti ka pa. Ako talagang iniwanan ng mama ko. Hindi na niya siguro ako mahal,” he said and sighed.
“Naku, wag mong sasabihin yan. Mommies love their children. I’m sure, may rason ang mommy mo kaya siya umalis.” At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong ngumiti si Sean. Thus, our friendship began.
Sinagot ni dad ang pag-aaral ni Sean. Masayang-masaya ako dahil may nakakasama na ako araw-araw papuntang eskwelahan. But when Sean turned 17, his father passed away because of leukemia. Dad did everything to save his father yet of no use. Sabi nga nila, wala nang nagagawa ang pera kapag oras mo na talaga.
Matapos mailibing ang tatay niya, nagpaalam na si Sean. Sabi niya, wala na raw dahilan para manatili pa siya sa amin. But dad did not let him go. Maging ako’y tumutol sa gusto niya. And so he stayed with us.
“Pero gusto ko pong bayaran ang pananatili sa inyo, sir. Ayaw ko pong maging pabigat sa inyo,” sabi niya kay dad.
“Sean!” sita ko naman sa pahayag niya.
“You are really your father’s son, Sean,” dad said.
“Pagtatrabahuan ko po ang pananatili sa inyo. Pwede po akong maging kapalit ng tatay bilang bodyguard po ninyo.”
“Sean!” nagulat ako sa sinabi niya.
“Nag-iisa lang ang tatay mo, Sean. You can’t replace him, can you?”
“Hindi ko man po kayang palitan si tatay pero tinuruan niya naman po ako ng kung ano ang dapat at kailangan.”
Dad looked at him. There was a long silence.
“Okay, granted.”
“Dad! Nag-aaral pa po si Sean. You can’t – ” sabi ko.
“Okay lang – ”
“Pero hindi ako ang babatayan at poprotektahan mo,” dad said.
“Po? S-Sino po?”
“My daughter.”
“Po??!!”
“What??!!” Kapwa kami nagulat sa sinabi ni dad.
“Yaman din lamang na kayo lagi ang magkasama, then I entrust my daughter to you. You know her - she’s hard headed, she’s wild, and she’s reckless…”
“Dad!”
“… I can’t look after my daughter all the time so I needed someone to be with her. I know she’s safe with you.”
Nagkatitigan kami ni Sean at kapwa namin iniitindi ang sitwasyon.
“Okay po, sir. Wag po kayong mag-alala. Babantayan at poprotektahan ko po ang anak ninyo gaya ng ginawa ng tatay ko sa inyo. Salamat po sa pagtitiwala,” kapagdaka’y sabi niya.
And Sean became my personal bodyguard. Well, he’s very protective. No, he’s overprotective I should say.
“At sa’n ka pupunta?”
Palabas na sana ako no’n ng bahay nang marinig ko ang boses niya.
“Sa birthday party ng kaibigan ko. I am invited. I’ll go,” sagot ko.
“Hindi pwede. Gabi na,” he said.
Napamaang ako sa sagot niya. I hope he’s just kidding. But looking at him, he’s not.
“Sean naman… hindi ako bata. And it’s just a party.”
“Ibinilin ka sa akin ng daddy mo kaya bumalik ka na sa kwarto mo. Hindi ka aalis.”
“C’mon, Sean! Uuwi rin naman ako after the event. At isa pa, I gave my promise na pupunta ako, so pupunta ako.”
“No, gabi na. Kaya bumalik ka na sa kwarto mo.”
“Ugh! I hate you! I hate you!”
He sighed.
“Fine! Gusto mong pumunta? Sasama ako,” he then said.
“What?! But you’re not even invited –”
Pero natigilan ako nang ipakita niya sa akin ang invitation niya.
“Ba-Bakit may… Pa’nong…” I just don’t know what to say. Hindi sila magkakilala ng kaibigan ko para imbitahin siya.
“Narinig kong inimbitahan ka. At dahil alam kong pupunta ka talaga, Kinausap ko ang kaibigan mo. Now let’s go.”
Startled, I followed him.
Well, he is really a man of strict demeanor. Pero wala pa rin namang nagbago. He’s maybe my bodyguard but I don’t consider him as one. He is still Sean – my big brother and my best friend.
But now I’ll be getting married. Parang kailan lang ang lahat. Ang bilis ng panahon. Hindi ko tuloy namalayang hindi ko na pala nakakasama at nakikita ng madalas si Sean.
“Hey…” puna ko sa kanya nangg makita ko siya sa may garden.
“Hey…”
“Sa’n ka galing? I haven’t seen you today.”
“Ahh, sinamahan ko ang daddy mo sa Baguio. May meeting kasi siya ro’n.”
“I see.” And there was silence.
“Sean…”
“Hmm?”
“Pwedeng ako naman ang samahan mo bukas?”
“Where?”
“Tapos na raw kasi yung wedding gown. Pwede ko na raw isukat bukas. Samahan mo naman ako ro’n, please.”
He smiled. I know what he’s thinking.
“Si Paulo dapat ang isama mo. Hindi ako.”
Paulo is my fiancé. He is the son of dad’s business partner and he’s one of the charming models na nakilala ko. Magkaedad sila ni Sean. Crush na crush ko talaga no’n si Paulo at lagi ko siyang ibinibida kay Sean noon. Pero sabi ni Sean, hindi raw kami bagay ni Paulo because he’s too good for me. Lagi niya akong tinutukso hanggang sa tumgil siya nang maging kami na ni Paulo. And after two years in a relationship, he proposed and now we’re getting married.
“I know,” sagot ko.
“So bakit ako ang niyayaya mo? Mapagkamalan pa akong fiancé mo nyan.”
I sighed.
“Hindi ka na bata. You know what to do,” he said and gave me a pat on the back before he left.
Napakabilis nga ng panahon that I haven’t noticed the changes. Pakiramdam ko, biglang nag-iba ang mundong ginagalawan namin ni Sean. At sa bawat pagtalikod niya, parang ang laking bahagi ng buhay ko ang nawawala sa akin.
A day before the wedding, everything is ready. And everyone is excited. Except me.
“Wedding jitters?”
Napalingon ako sa nagsalita.
“Sean!” bumuhos ang tuwa sa aking dibdib nang makita siya. I haven’t seen him for almost two weeks.
“Kumusta? Ready for tomorrow?”
I looked at him in the eyes, about to cry.
“Na-miss kita.”
He smiled.
“Dahil wala na yung sunod nang sunod sa ‘yo?”
I sighed.
“Sean, I… I don’t feel like marrying him anymore,” I told him.
Hindi ako nakatingin kay Sean but I know he was surprised.
“I don’t know how to say this pero parang… parang ayaw ko na. I want to withdraw. I don’t want to marry – ”
Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong yakapin ni Sean. He held me tight and we were just silent. Tila huminto sa pag-inog no’n ang mundo. Parang kami lang dalawa at walang mga tao. My arms moved at niyakap ko rin siya. Tears fell down. I felt safe. I felt secured. I felt loved. Not because he’s my bodyguard but because he’s my Sean. Saka niya pinahid ang mga luhang naglalandas sa aking mukha. He was smiling. He looked happy. But why can’t I feel the same?
“Don’t think about happened. It was just a mistake. Magpahinga ka na lang. Maybe you’re just too excited and nervous. Iiwan na muna kita,” he said and he left me alone.
My tears kept on falling. I want to tell him but I find it hard to tell. Ito pala yung sinasabi sa akin ni yaya noon kapag hindi ko sinabi ang dapat kong sabihin. Mabigat. Masakit.
On that day, I was walking down the aisle habang masayang ipinapatugtog ng pianista ang malamyos na tugtugin. Lahat ng tao na nakikita ko ay masaya. Pero naglalandas sa mukha ko ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Ibang musika ang naririnig ko.
Sa dulo’y nakikita ko ang nakangiting si Paulo at… ang nakangiting si Sean. Bakit ba hindi ko magawang ngumiti katulad niya?
Sa pagtanggap ko sa kamay ni Paulo, minsan kong hiniling na sana’y ibang tao na lang ang nahawakan ko. Sa pagharap ko sa Diyos, sana’y ibang tao na lang ang nakasama ko. At sa pagbitaw ko ng mga salita, sana’y ibang tao ang napagbigyan ko. Sana’y yung ibang tao na lang – yung ibang tao na hindi na iba sa akin.
Matapos ang kasal, maraming tao ang lumapit sa amin para magpahayag ng kanilang masayang pagbati. Pero pilit kong hinanap yung taong kanina ko pa gustong makita.
“Sean…” sambit ko sa pangalan niya.
“Congratulations. Masaya ako para sa inyo. Para sa ‘yo,” sagot niya.
“Sean…” pangalan lang niya ang tangi kong nasabi.
“Tapos na pala ang trabaho ko sa ‘yo. I am no longer your personal guard,” sabi niya.
“No…No…”
“Paulo’s here. He will protect you the way I protected you. But I’m sure, mas maaalagaan at mapoprotektahan ka niya ng higit pa sa nagawa ko.”
Niyakap ko siya nang mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya yung hindi ko kayang sabihin ng deretso.
“I didn’t have you yesterday and I cannot have you today. Maybe tomorrow – we can create another story,” he whispered into my ear.
I looked at him in the eyes. He was smiling but his eyes looked like the eyes I’ve seen 17 years ago. He kissed me on the forehead and then he walked away. Gusto ko man siyang habulin at pigilan but I was not able to. Hindi na siya nahagip ng aking paningin.
And the next time I’ve heard about him – he’s gone. Nag-crash ang sinakyang eroplano ni Sean nang umalis siya papuntang Amerika para hanapin sana ang mama niya na noon pa niya hinahanap at gustong makita.
“I didn’t have you yesterday and I cannot have you today. Maybe tomorrow – we can create another story.” In times of pain and grief dahil sa pangungulila sa kanya, his words always visit me.
Hindi kami nabigyan ng pagkakataon noon. Wala na rin kaming pagkakataon ngayon. Pero bukas… sana bukas, madugtungan namin ang naudlot naming kahapon.
“Mama…”
Napalingon ako sa nagsalita. Then I smiled. It’s as if he has returned to fulfill his words.
“Sean…” I uttered.
That name. His name which means a gift from God.
“Ma, sabi ni daddy pupunta raw kami ng park para mag-bike. Sama po kayo?”
“No, kayo na lang ng daddy mo.”
“Okay po. Bye, mama! I love you.”
“I love you more. Ah, Sean!”
“Po?”
Pinakatitigan ko siya nang matagal. He looked like the 10-year old Sean na una kong nakilala. He looked exactly like… his father.
“Wala. Sige, go ahead. Mag-iingat kayo.”
Alam ni Paulo ang totoo. And I felt guilty. Pero hindi siya nagalit. Hindi niya ako sinumbatan. Bagkus, inintindi ni Paulo ang lahat-lahat.
“Hangga’t hindi pa dumarating ang bukas, let me just love you. I only have today. Because when that tomorrow comes, I know I am no longer part of your story,” sabi sa akin ni Paulo nang malaman niya ang buong katotohanan.
Thank you, Paulo. And I’m very sorry.
I may sound selfish but I hope tomorrow when I wake up… it’s the day.