Return to site

MATATAG NA BATA

ni: DR. MERVIN F. GOÑA

Ako’y isang batang Pinoy,

Mulat sa pabago-bagong kapaligiran.

Pagbabago na dapat pag-aaralan,

Upang sa ganoon madali kong matutunan.

 

Maraming pagsubok ang aking naranasan,

Mahirap man o madali dapat aking pagsusumikapan.

Sa tulong ng Maykapal aking natutuhan,

Matatag na bata ika’y gagantimpalaan.

 

Kahit saang sulok man ako magpunta,

Iba-ibang tao aking nakakasalamuha.

May Tagalog, Bisaya, Ilokano, Bikolano, at iba pa,

Dahil pinoy kaming lahat siguradong nagkakaintindihan.

 

Iba-iba man ang sinasambit na wika at kultura,

Iisa pa rin ang layunin at patutunguhan.

Kaya dapat laging matatag at malakas,

Magandang kinabukasan ay aking makamtan.