Return to site

MANALIG, TUMULONG AT MAGKAISA LABAN SA PANDEMYA

JORGIE A. AGUADO 

· Volume IV Issue I

Bawat bansa'y matinding salot ang dinaranas

Buhay ay gustong maligtas

Marami ng buhay ang nalagas

Sa salot ay hindi na kayang magpumiglas

 

Tumulong sa kapwa'y mainam

Tiyak tiya'y hindi na kakalam

Ayuda ay ibigay ng tama

Para tao'y hindi maghintay sa wala

 

Malasakit, pagkakaisa, tulong, kapatiran, bayanihan

Mga salitang kailangan natin sa ngayon

Pamahalaan ang manguna sa pagtugon

Para sa pandemya'y makaahon

 

Wala man tayong matibay na solusyon sa ngayon

Higpitan lang ang kapit sa Panginoon

Pagdarasal ay siyang mabuting Gawin

Madidinig rin niya ang ating dalangin.