Return to site

MALAYANG KULTURA, PILIPINAS!

ni: ANECITO P. NERI JR.

· Volume V Issue I

Malayang bansang noo’y nasakop,

Alipin at tinuring na hayop.

Lumagpak ang pag-asang bumangon,

Apuhap ay kalayaang tugon.

Yakap ng wika ay naging tulay,

Anaki liwanag ang paggabay.

Nabanaag pag-asang lumagpak,

Gabay tungo sa daang busilak.

 

Kulturang malaya ay natamo,

Umusbong ang Wikang Filipino.

Lantay na pagkaka-isa’y handog,

Tinangkilik at naging bantayog.

Una at huling naging sandata,

Ramdam na ang ginhawa at saya.

Asan kasunod na kabanata?

 

Pilipinas ay kinikilala,

Inangat sa daigdig ang bansa.

Larangan ng palaro, musika,

Imbensyon, agham, teknolohiya.

Piniling aralin ng dayuhan.

Inaasam, imbes na iwasan.

Nagningning ang Wikang Filipino.

Alingawngaw ng masayang puso,

Salamat sa wika, Bathala ko!