Return to site

MAKOY MATAPAT

ni: NERY O. SOMBILONA

Bitchokoy po!! Bitchokoy kayo riyan!!! Bitchokoy!! Bitchokoy!!! Malakas na sigaw ni Makoy.‘’ Bili na po kayo mainit pa po’’. ang walang humpay na pagtitinda niya ng bitchokoy. Bitchokoy ang tawag sa isang uri ng kakanin halintulad sa tinapay ngunit ito ay hinurma ng pahaba.

Araw-araw maaga pang gumigising si Makoy upang tumulong sa kaniyang magulang sa pagluluto at paglalako ng bitchokoy. Ito kasi ang kanilang hanapbuhay na kinasayanan mula noong bata pa siya. Medyo mahirap pero kailangan niyang tumulong sa kaniyang mga magulang.

Boy Bitchokoy!!!! Boy Bitchokoy!!!! Boy Bitchokoy!!!!. Ang walang tigil na tukso ng kaniyang mga kaklase. Si Makoy tahimik lang na nagbabasa ng kaniyang mga aralin. “Hindi ko dapat ikahihiya ang pagtitinda ng bitchokoy”, sabi niya sa kaniyang sarili.

Gustong- gusto ni Makoy na tumulong sa pagtitinda ng kanilang bitchokoy kaya sa araw-araw natutung bumangon nang maaga si Makoy upang maglako ng bitchokoy at pumapasok din siya sa paaralan tuwing alas syete ng umaga.

Isang araw nag-anunsyo ng lakbay- aral ang kanilang guro na si Ginoong Naldo. Ang layunin ng buong klase ay magtutuklas ng pamumuhay at kultura ng mga “IP’s o Indigenous People” sa Barangay Marikudo Bayan ng Isabela, Negros Occidental.

“Nais ko kayong lahat ay matutong umunawa sa kultura at pilisopiyang nakagisnan ng ating mga kapatid na “IP’s o Indigenous People at kung paanu ito naging magkatulad sa kasalukuyang pamumuhay lalo na sa karatig bayan ng Isabela ang bayan ng Moises Padilla”. dagdag pa ni Ginoong Naldo.

Lahat ay masaya at sabik na sabik sa gaganaping lakbay-aral maliban kay Makoy.” Bakit malungkot ka Makoy?”, ang pagtatakang tanong ni Ginoong Naldo. “Hindi po ako makakasama sir kasi po mahirap lang po kami gustuhin ko man po tamang –tama lang po sa pakain ang kita ng aking mga magulang. Nahihiyang sagot ni Makoy.

“Huwag kang mag-alala hindi naman compulsory ang ating lakbay- aral. Kung hindi ka man ngayon makakasama marami pa namang mga oportunidad ang darating. Patuloy lang sa pag-aaral”. Pagpapaliwanag ni Ginoong Naldo. “Nais ko lang naman ipakilala sa inyo ang ating mga katutubo”, dagdag pa ng guro.

Bago maglakbay-aral bibigyan ni Ginoong Naldo si Makoy ng mga babasahin at aralin. Pinag-aralan ito ni Makoy.” Wow ang kasalukuyang Moises Padiila pala ay dating Magallon. Ito rin ang pinakamalaking Baryo nang Bayan ng Isabella’’ namangha si Makoy sa kaniyang natuklasan.

“Ang bayan ng Isabela at Moises Padilla ay pinagdugtong ng pinakamahabang ilog sa Negros Occidental. Ang ilog na ito ay tinatawag na “Binalbagan River”. “Wow makasaysayan pala ang ilog sa likod ng aming bahay. Malaki ang naging bahagi sa kasayasayan at pamumuhay ng mga tao sa bayan ng Moises Padilla’’. May galak at pagmamalaki na naisip ni Makoy.

Isang araw ng Martes walang pasok dahil may espesyal na pagdiriwang. Malakas ang ulan dahil may paparating na bagyo. Malungkot si Makoy dahil hindi pa nauubos ang kaniyang nilalakong mga bitchokoy. Nagdadasal siya ng mataimtim na sana huhupa ang ulan para maubos na ang kaniyang mga paninda. Parang walang tenga ang langit at patuloy itong bumubuhos.

Kahit na malakas ang ulan pursigido si Makoy sa pagtitinda ng kaniyang mga bitchokoy. Hawak ang payong at bibit ang basket na may lamang mga paninda, sinuong niya ang malakas na ulan upang makapunta sa tindahan para makapaglako.

Habang naglalakad sa ilalim ng malakas na ulan may nakita si Makoy na isang supot ng plastic at agad niyang kinuha at binuksan ito. “Abaaaaa!!!!! napakaraming pera. Ngayon lang ako nakakita at nakahawak ng ganitong karaming pera”, pagkamangha na sabi ni Makoy sa kaniyang sarili.

Habang hawak ni Makoy ang plastik na may lamang pera nagpatingin-tingin siya sa palagid upang siguraduhing walang taong nakakita sa kaniya. Masaya si Makoy sa kaniyang nakita. Naalala niya tuloy na pwedi siyang sumama sa kanilang lakbay-aral at maging malaking tulong sa kanilang mag-anak ang perang nakita.

“Hindi dapat ako mag-isip ng masama tungkol sa perang nakita at higit sa lahat hindi akin ang perang ito”, paalala ni Makoy sa kaniyang sarili. Naisip niya tuloy ang bilin ng kaniyang mga magulang na hindi kumuha ng mga bagay na hindi sa iyo. Dapat maging matapat sa lahat ng oras kahit sa anumang paraan.

Dali- daling pumunta si Makoy sa munisipyo at ipinaalam sa kanilang mayor ang nakitang pera. “Nakita ko po ang perang ito. Nakasilid sa plastic at gusto ko po sanang isauli sa may-ari kaso walang panggalan at hindi ko alam kung kanino ito”, ang pagpapaliwanag ni Makoy.

Pagkatapos ng pangyayari ay ipinagpatuloy ni Makoy ang paglalako ng kaniyang panindang bitchokoy sa tindahan. Alam ni Makoy sa kaniyang sarili na ginawa niya ang karapat-dapat at tamang gawin. Hindi dapat mag –isip na angkinin ang mga bagay na hindi pinagmamay-ari.