Return to site

MAHIRAP NGUNIT MASARAP MAGMAHAL

JOCELYN DIAZ ROBLES

Balayan East Central School

Hindi kalianman magiging madali, paulit ulit ka pa ding iiyak at mamimiss mo ang lahat lahat dahil patuloy pa rin siyang nandiyan sa puso mo dahil patuloy kang nagmamahal ngunit kaialangan mo lang ding magpakatatag. Mapalad ka kasi puno ka parin ng pagmamahal sa kabila ng sakit na idinulot nito sa iyo. Puno ka ng pagmamahal para sa kanya at sa mga taong nakapaligid sayo kaya maswerte ka dahil kaya mo parin magbigay ng pagmamahal para sa mga kaibigan mo na kung minsan siyang nagpapagaling sa mga nararamdaman sakit ng mga ito.

Minsan kailangan mong huminga sa papamagitan ng pagagos ng mga luha dahil yan ang magsisilbing ng gamut sa mga sakit na nararamdaman dulot ng pagmamahal na patuloy nating ibinibigay na hindi na kalianman maibabalik, makakaluwag sa dibdib ang bawat daloy ng luha at muli kang sasaya sa bawat patak na pupunong muli sa pagmamahal na handa mo pa ring ibigay sa kanya kahit wala na siya dahil alam mo sa puso mon a siya ang buhay mo sapagkat buhay na buhay ang Diyos ng Pag-ibig na tunay nating sandigan at lakas upang makayanan ang sakit at hirap ng mawalan ng painakamamahal.