Return to site

MAGKAAGAPAY

RAMEL B. LABALAN 

· Volume IV Issue I

Ikaw at Ako ay may kanya-kanyang pwesto.

Mapadagat o bundok man, dapat laging kunektado.

Sabay ilaan ang dalawang kamay sa mga nangangailangan,

At dapat sabay din imulat ang mga mata sa paligid at kanino man.

 

Sa bawat pandemyang taunang hinaharap,

Sa bawat hampas ng madambuhalang alon,

At sa bawat ihip ng mahalimaw na hangin,

Tayong Pilipino ay magkapit-bisig at sabay na manalangin.

 

Kung lagi tayong ganito at magkasundo,

Walang problema at delubyong hindi kayang masugpo.

Bawat isa ay may silbi at kanya-kanyang tungkulin,

Kaya naman lahat ay naaayos sa tulong na rin ng diyos.

 

Ikaw man ay bata o matanda, may trabaho o wala,

Bawat hakbang mo ay may dalang tulong na magagawa.

Dahil bawat isa ay may kayang siya lang ang nakakagawa.

Kaya dapat lagi natin itong isaisip, isapuso at isagawa.

 

Kumilos ka kung kinakailangan at kung ikaw ay kailangan.

Tawagin ang kapwa kung hindi mo kayang mag-isa.

Magtiwala sa iba at matuto ka rin makisama sa kanila.

Lagi mong tandaan na kung wala sila, wala ka rin mapuntahan.

 

Ito ang dapat mong laging pakakatandaan bilang Pilipino,

Dapat lagi kang Makabayan at handang magsakripisyo.

Para sa pamilya mo at bawat Pilipino sa anumang aspeto.

Kung ikaw ito, tiyak na isa ka sa tahimik na bayaning Pilipino.

 

Ito ang mga kakayahan, dahilan at kulturang Pilipino.

Kung bakit matibay at hindi madaling bumibigay

Ang bansang Pilipinas sa mga sakuna at anumang pandemya,

Lahat kasi ay handang dumamay at laging nakaagapay.