Return to site

LIWANAG NG AKING PANGARAP: KINABUKASANG HINAHANGAD

MARYANN P. ABRUGENA

Balayan East Central School

· Volume V Issue IV

I

Tulad ng isang ibong mataas ang lipad,

Ako ay may mataas na pangarap,

Ninanais na makamit at matupad,

Ang minimithi kong matayog na alapaap.

 

II

Sa bawat pagpikit ng aking mga mata,

Magandang hangarin ang aking nilalasap,

Tulad ng mga bituin na aking nakikita,

Ang kinabukasan ko’y magniningning at kikislap.

 

III

Kahit na may ibang gusali na hindi pantay,

Mayroon ding gusali na matatag,

Tulad ng batong walang malay at patay,

Ito ay matibay at di matitinag.

 

IV

Ano mang pagsubok ang dumaan,

Wag hayaang masira ang pangarap,

Dapat manatili kang palaban,

Wag sumuko at magsumikap.

 

V

Sa lahat ng aking laban,

Sa Kanya ako nagtitiwala,

Tunay na kakampi ko ang kabutihan,

At ginagabayan ni Bathala.

 

VI

Sa paglipas ng panahon,

Patuloy ang aking paglalakbay,

Kayang harapin lahat ng alon,

Upang makamtan ang tamis ng tagumpay.