Kahapon...
Mapipinta ko
Ang planong nais ko
Maiguguhit ko
Ang awiting gusto ko
Maging Guro, maestra ng bayan ko
Ideyalismo, pagbabago
-------Layunin ko.
lapis na gamit
papel na may guhit
di na makita---wasak-wasak---punit-punit.
Walang bahid dungis na sitwasyon:
1. Gusaling Bato
Inuuod na bato
binihisan ng ginto
nakamit ang karangalan at pwesto.
2. Alitan ang katapusan
Pwestong iilan
pinagaagawan ng karamihan
apakan, tadyakan, dugo ang hantungan.
3. Nakaupong Langaw
Langaw sa mataas na upuan
dapat tama, dapat katakutan
walang lusot, ultimo singwenta sentimos
sa kanyang bulsa ang buhos.
Milyun-milyong singkwenta sentimos
hindi maibigay ng maayos
sa mga maestrang parang nanlilimos.
4. Diyus-Diyosan
Tutunog ang telepono, mga Diyos daw ay bibisita
handa dito, handa doon--mga langgam na natataranta
di tuloy makita ang reyalidad--ang katawaliang halatang halata.
5. Kakulangan
Ikaw matanong ko, ano ang kailangang pagbabago?
Madaming kulang, madaming pangangailangan.
Alisin ang piring, hanapin ang mali---huling iteneraryo
Doon, baka matagpuan and solusyon at hangganan.
Nakakatakot na sistema
Lalamunin na buhay ang isa
Walang magagawa kundi sumunod at tumulala
Hinaing noon, hinaing ngayon, hinaing pa din bukas.
Buntong hininga ang katapat
umaasang makita pa ang papel at panulat.
HHHHAAAYYYY. Salamat.